Chapter 9 - Recess Rumble

2.5K 102 3
                                    

"Calvin, tama ba?" tanong ng isang lalake sabay punta sa aming table.


"... Naku... si Darius..." bulong ni Mae.


"Ano kailangan mo?" tanong kong deretso.


"Isa ka sa baguhan dito diba?" tanong niya.


"Oo. Bakit?" tanong ko sabay lingon.


"Meron kasi tayong pamantayan dito... ang baguhan, dapat nagbibigay ng ibabahagi." paliwanag niya, kahit sa salita pa lamang alam ko na ang intensyon niya.


"Sa school na 'to. Ang malalakas lang ang nakatayo, at ang mga nasa baba, dapat nananahimik at nagbibigay sa mga nakatataas. Katulad ko, isa ako sa mga nakatataas." paliwanag niya.


"Bakit? Guro ka ba? Estudyante ka lang din naman katulad ko ah?" tanong ko sabay tayo't tinapat ang aking titig sa kanya.


"C-calvin... tama na..." babalang bulong ni Lance.


"Baka nakakalimutan mo, ako si Darius. Darius Endino." bigkas niya.


Biglang nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang kanyang pangalan...


"... Endino..." bulong ko sa akin sarili.


Ang pangalan na ito, kasabwat siya sa mga taong sumalakay sa bundok namin.


"Nga pala, hindi ba... tatay mo si Emmanuel Aliguyon Endino?" tanong ko ng may tulis sa aking mga bigkas.


"... Paano mo kilala tatay ko? Bakit? Anak ka ba ng isa sa mga trabahador niya?" tanong niya.


"Hindi." sagot ko habang unti unti akong lumalapit sa kanya, "Hindi naman kasi ako... mamamatay-tao." bigkas ko't agad na nakita ko ang nanlalaki niyang mga mata.


"Manahimik ka!" isang sigaw mula sa kanya't agad akong nakatanggap ng suntok mula sa kanyang kanang kamao.


Agad akong napatumba sa lamesa sabay suporta ng aking mga kaibigan. "T-tama na!" pagmamaka-awa ni Mae ng tumayo siya't humarap kay Darius.


"Tumigil ka na nga! Kung baon ang gusto mula sa kanya edi dapat dineretso mo nalang! May pa-ganyan ganyan ka pa eh! Kunin mo na yung baon namin!" sigaw niya.


"C-calvin! Okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Hans.


"Oo... okay lang..." tugon ko sabay tayo.


"Hindi pa tayo tapos, Reid. Bukas natin 'to tatapusin. Humanda ka kung ako sa'yo." bigkas ni Darius sabay alis ng canteen.


Napatingin ako sa paligid, lahat nakatingin sa akin, kahit ang mga trabahador wala man lang magawa, at wala ni-isang guard na nasa paligid kaya kami lang ang nakasaksi.

Carl to Calvin [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt