Chapter 49 - Kailangan

949 37 1
                                    

(Calvin's POV)


Nagtungo kami sa susunod na umaga para bisitahin si Hans. Marami nang balita tungkol dito, at nagkakalat na rin ang pangalan ko dahil sa aking ginawa, tinatawag na trending sa social meda.


(Darius' POV)


Nalaman ko na ang lahat ng nangyari dahil sa balita, kung paano nagsimula ang apoy at kung papaano iniligtas ni Calvin si Hans, yun nga lang, sana makabisita ako kaso kulong ako sa aming bahay dahil kay tatay.


Marami na rin ang nagsasalita at nagkukuwentuhan tungkol dito sa social media matapos magtrending ang video ng isang araw lamang.


Habang ako'y nasa sala at nagbabasa ng libro, may tumawag na guard, "Sir." tawag niya si tatay.


"May naghahanap po sa inyo." at sunod namang lumabas si dad mula sa bahay tungo sa gate, sikreto akong sumunod sa kaniya at nagmula lamang sa pinto, "Magandang umaga po. Emmanuel Aliguyon Endino, ipinapatawag ka namin sa pagtatanong ukol sa nangyaring insidente..." at ipinagpatuloy.


Ipinapatawag si tatay para sa questioning dahil sa nangyaring pagliyab ng apoy, ito na kaya yung itinakdang panahon?


Nakita ko ang pagtango ni dad sa mga pulis at nanlaki ang aking mga mata dahil dito, hindi ko akalain na kanyang ito'y tatanggapin. Agad ko naman kinuha ang oportunidad para tumakas at kausapin ang aking mga kaibigan kaagad habang wala pa si dad.


Panandalian lamang at ako'y nakapagbihis na at tinawag na ang driver, "Kuya, sa ospital tayo." tugon ko. "Sir-- ipinagbabawal-" bago pa siya makapagreklamo, "Ako ang dapat mong sundin, hindi ang tatay ko. Kapag wala ang mga magulang sa loob ng tahanan na ito ako ang may kapangyarihan." tugon ko.


"Masusunod po." ang tugon sa akin ng driver.


Nagtungo na kami sa ospital at dumaan muna para bumili ng mga bulaklak, pati na rin ng ilang prutas.


Nakarating na ako sa ospital at sinabi sa reception, "Ma'am nasaan po yung room ni Ha-" natigil ang aking pagbigkas ng makita ko si kuya Gab na patungo sa akin, "Sakto pagdating mo, kailangan kang kausapin ni Calvin." bungad niya.


Agad agad niya akong hinila kahit hindi pa ako nakapagpasalamat sa babaeng nasa reception.


"Ako na magbibigay nito kay Hans sa loob. Mula diyan sa hallway kumaliwa ka, makikita mo si Calvin katabi ng halaman." at kinuha niya na ang dala kong mga bulaklak at prutas at pumasok na sa loob ng walang pigil.


Sinundan ko naman ang kanyang utos at nagtungo sa kanto ng hallway at kumaliwa. Bumungad sa akin si Calvin na nakatingin ang kanyang mga mata deretso sa akin. Napatingin ako pabalik ng makita ko na lumabas muli si kuya Gab mula sa kwarto.


"Gusto mo raw ako kausapin?" tanong ko.


"Kamusta ang pagtatanong sa tatay mo?" tanong ni Calvin.


"Wala pang resulta, kanina lamang siya ipinatawag. Pero wag ka nang umasa, matalino ang dad ko para sa mga ganyan." komento ko.

Carl to Calvin [COMPLETE]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum