Chapter 41 - Konektado

898 42 0
                                    

Apat na araw bago ang Meeting De Avance, late na natapos ang meeting ng LIKE party sa isang classroom at marami na ang nagsi-uwian, ngunit kinakailangan ko pang dumaan sa clinic para makahingi ng gamot para sa aking sakit ng ulo.


Kinakailangan kong bilisan at kung hindi ay baka lumala pa ito't bumagsak ako pauwi kapag hindi ako kumuha ngayon na.


Nakasandal ako sa pader ng hallway na walang mga taong dumadaan, dahan-dahang linalampasan ang mga iba't ibang mga silid.


Unti-unting lumalala ang aking sakit ng ulo, ngunit sa kabutihang kapalaran ay hindi naman ito dudulot sa lagnat, hindi naman ako nag-iinit.


"Dalian mo--- baka may makahuli sa atin." Isang bigkas n aking narinig salamat sa ubod ng tahimik ng paligid.


Pinagmasdan ko at nakinig muli.


"Oo na teka lang-- mahirap kaya maghanap kapag magdidilim na." dinig ko.


Ilang segundo bago ako mag-isip na kung saan ito nagmula at sunod kong narinig na mga ginagalaw na gamit ay nagmula sa silid ng mga guro, ang faculty.


Sumilip ako sa bintana ng pinto kung saan may maliit na kurtina. Hindi ko masyadong malinawan ang mga taong nasa loob ngunit kumpirmado na dalawa ito. Isang lalake't isang babae.


Kahit kumuha ako ng letrato mula sa aking cellphone ay hindi malilinawan kung sino man ang mga ito, kaya ibinase ko muna ang mga boses nila.


"Ito, nice! Nakuha ko na." bigkas ng babae.


"Bilisan mo, picture-an mo nalang." bigkas naman ng lalake.


Nang nakita ko ang flash ng cellphone, agad kong namukhaan ang babae at lalake matapos kunan ng letrato ang mga papel.


Agad kong binuksan ang pinto at sinabi, "Sinasabi ko na nga ba. Mukhang tama nga kwinento nina kuya Harry." Nang mabanggit ko ito agad na humarap sa akin si Eiva at ang isang pamilyar na lalake.


"Akala ko pa naman wala tayong makakasalubong na estudyante. Ikaw pa talaga." banggit ng lalake na naka jacket. Humakbang siya't nagpakilala, "Second round na 'to, Calvin!" agad niyang bigkas ng makita ko ang pagmumukha ni Reyes sa ikalawang beses.


"Base sa kontrata natin kinakailangan kong patakasin ka ng ligtas, dali na. Ako na bahala rito." bigkas ni Reyes at umalis kaagad si Eiva.


"Eiva!" sigaw ko ngunit agad kong naramdaman ang presensya ni Reyes sa aking harapan na may patalim. Agad ko itong iniwasan at tsaka siya nakatanggap ng isang paa sa kanyang gilid.


Hindi ko siya napatumba at agad siyang tumayo muli at ipinagpatuloy ang mga atake niya.


"Anong kontrata ang pinagsasasabi mo, Reyes?!" tanong ko habang umiiwas.


"Edi kontrata, upang manalo siya sa nararating na meeting de avance. Wala akong paki-elam kung ano meron sa babaeng yun kung bakit siya desperado maging pangulo ng student council ninyo pero alam naman natin na nagsasalita ang pera, hindi ba?" paliwanag niya at kinuha ko naman ang isang arnis mula sa table ng isang P.E. teacher.

Carl to Calvin [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora