Chapter 5 - Adopted

3.9K 136 2
                                    

(Gab's POV)


Nang ako'y nagmula sa trabaho agad naman akong nagluto ng hapunan para sa amin ni Carl. Nag-text sa akin si tito sabi niya nanonood pa raw sila ng pelikula at pinasyal at may ilang binili pang mga gamit.


Kaso si tito raw ay hindi rito makikikain.


Ilang mga saglit ng kumagat ang dilim ng gabi ay narinig ko ang kotse ni tito mula sa labas ng bahay at agad ko naman silang pinuntahan para tulungan sa mga bibitbitin.


Marami nga silang biniling mga kagamitan para kay Carl, pero sa tingin ko naman ay okay lang sa kanya ang mga ito.


"Sige, oh paano? Bukas sure nandito na yung mga papel." sabi ni tito't tumango ako.


"Sige po. Ingat po kayo pauwi." sabi ko naman.


"Bye-... 'tay." bigkas ni Carl ng siya'y napautal.


Hinimas ni tito ang ulo ni Carl bago siya umalis.


"Kain na tayo." bigkas ko naman kay Carl nang kaming dalawa na lamang ang nasa bahay. Tumango siya bilang tugon at nagtungo na kami sa kusina para kumain.


"Kamusta araw niyo?" tanong ko.


"... Marami kaming binili na gamit." tugon niya, obvious... haha...


"A-ah... talaga? Masaya naman ba?" tanong ko.


"Oo. Nanood kami ng pelikula rin." sagot niya.


"Ahh, pagkatapos nito tulungan mo ko i-ayos mga damit mo ah." bigkas ko pabalik at nagbigay lamang siya ng isang tango sa akin bilang pagsang-ayon.


Siguro sa ngayon hindi ko pa rin nakukuha yung katauhan niya at personalidad na maging open siya sa akin, pero okay lang... kahapon lang naman din kasi kami nagkakilala.


Sumunod na araw...


(Carl's POV)


"... Ano po 'to?" tanong ko.


"I'm sure marunong kang magbasa diba? Buksan mo." sabi niya habang naka-upo.


Binuksan ko ang envelope at bumungad sa akin ang isang certificate at, "I'm keeping my end of the bargain for the two of you. But I have a lot of expectations from you. You are carrying our name. From now on you'll be known as Calvin Reid." bigkas ni-... tatay Kalvin.


Nakakagulat ang aking nakita, hindi 'ko akalain na ganito ang bagong buhay na ibinigay sa akin ng Panginoon, para bang isang kisapmata lamang binigyan na kaagad ako ng ikalawang pagkakataong mabuhay ng panibago.


Hindi ko maiwasang tumungo kay tatay Kalvi at yakapin siya ng mahigpit, "Salamat po." sabi ko naman.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now