Chapter 43 - Tugon

953 42 2
                                    

Nang ginamot muli ni kuya Gab ang aking mga sugat matapos kong maligo at magbihis ay nag-usap kami tungkol sa nangyari.


"So itong si Reyes eh... umatake muli?" tanong niya.


"Yun na nga. Nagkaroon ng kontrata yung si Eiva sa kanya para sa mga manggugulo sa gawain niya. Alam ko na rin naman kung bakit ganun yung babae, pero hindi ko naman akalain na ganun kalala siya pupunta para lamang manalo, at nagkataon na si Reyes pa talaga ang kinuha niya." paliwanag ko.


"Siguro... alam na ni Reyes na konektado ka sa kanya since magkaparehas kayo ng pinapasukan na eskuwelahan, kaya siya na yung unang umabante kay Eiva." hula ni kuya Gab habang ginagamot ako.


"Pwede rin. Iksabihin konektado si Reyes sa iba. Malaking pagkakataon na konektado siya kay Endino." komento ko.


"Paano mo naman nasabi yun?" tanong ni kuya Gab pabalik.


"Totoo naman na gusto niya na akong patayin, pero alam kong may binabalak lang yun, titira sa tamang panahon, hindi ko lang alam kung kailan. At tsaka... isa-isa na kaming inaatake ni Endino, at madalas ang mga gumagawa nga nito ay si Reyes." paliwanag ko't nakapagtapos na si kuya Gab sa paggamot niya ng aking paa.


"Makakalakad ka ba?" tanong niya't sinubukan ko namang tumayo.


"Mukhang kaya ko naman. Kaso mahihirapan lang ako maglakad." tugon ko.


"Gusto mo ba ng walking stick?" tanong niya.


Napatingin naman ako't napatanong, "Walking stick?"


"Yung mga nakikita mo sa ospital na ginagamit ng mga may pilay sa isang paa." paliwanag niya.


"Hmm... sige." tugon ko't tinulungan na ako ni kuya Gab sa pagbaba ng hagdan para kumain sa kusina.


Habang kami'y kumakain, "Nga pala, sino yung lalake kanina?" tanong ni kuya Gab.


"Ahh--- ex ni Eiva. Dapat manghihingi raw siya ng ikalawang pagkakataon kaso ang naabutan niya eh yung pagtatalo namin ni Reyes. Pasalamat at niligtas niya ako." kwento ko.


"Makakapasok ka ba bukas?" tanong muli ni kuya Gab na sadyang wala sa paksa.


"Hm? Oo naman. Wala naman kaming P.E. bukas." paliwanag kong sagot.


Sumunod na araw...


"Gandang umaga po." bungad sa amin ng kami ni kuya Gab ay nakatayo kalalabas lamang ng pinto ng bahay.


Nakatayo sa labas ng aming gate si PJ ng nakangiti.


"Napag-isipan ko na tulungan na kitang ihatid sa school since may sugat pa yung paa mo." paliwanag niya.


"Ahh-- hindi na ano--" bago pa ako makapagrason ng aking reklamo ay inunahan na ako kaagad ni kuya Gab ng, "Ganun ba? Ayun, mas maganda. Baka kasi ma-late na ako, balak ko pa naman din siya ihatid. Salamat ulit ah." bigkas ni kuya Gab ng may ngiti pabalik.


Bumuntong-hininga naman ako sa sitwasyong nangyayari ngayon. Mamayang hapon pa dadating ang tinatawag ni kuya Gab na crutches.


Sunod akong inakbayan ni kuya PJ para tulungan. Nang nakapagpaalam na kami sa isa't isa ay nagtungo na kami sa eskuwelahan.


"... Daan nalang tayo dun sa pinagdaanan natin dati." bigkas ko at sumang-ayon naman si kuya PJ.


(Darius' POV)


Hindi online si Calvin kagabi, siguro napagod siya dahil sa kanilang meeting ng party para sa meeting de avance. Pero napag-isipan ko naman na ihatid siya papuntang eskuwelahan.


Katulad ng dati ay nagpababa ako sa eskuwelahan at nagtungo na sa tahanan nila Calvin, ngunit habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si kuya Gab sa daan.


"Kuya Gab!" bungad ko.


"Oh, Darius? Kung si Calvin hinahanap mo eh nanguna na siya. Marami siyang ikukuwento sa'yo, sure." agad niyang bungad pabalik.


"Sino po kasama niya?" tanong ko.


"Isang 4th year mula sa kanila. PJ raw ang pangalan...?" tugon niya.


"Ahh, sige po. Salamat. Ingat po kayo." paalam ko't umalis na. Nagtungo ako sa eskuwelahan pabalik at naghintay na lamang sa loob ng silid.


"Uy, hindi mo kasabay si Calvin?" tanong ni Hans ng nakarating na siya sa loob.


"Ha? Hindi eh. May ibang naghatid sa kanya." tugon ko.


"Sino naman?" tanong niya muli.


(Calvin's POV)


"Dito nalang. Salamat." bigkas ko ng makarating ako sa hallway ng aming classroom.


"Hindi na, hatid na kita sa loob." bigkas niya't ipinagpatuloy ang pag-alalay sa akin hanggang sa makarating kami sa pinto ng silid.


May ilang mga mata na nakarating sa amin hanggang sa ako'y kanyang binitawan at makarating ako sa aking upuan.


Agad akong nilapitan ni Darius at Hans tsaka sinabi, "Kwento." ng sabay.


"Hindi ba pwedeng... Bati muna?" tanong ko't bumuntong-hininga.


"Pangatlong kwento ko na ata ito pero sige. Pagkatapos ng meeting kahapon, nahuli ko si Eiva na kinuhanan ng letrato ang mga papel para sa meeting de avance, pero nung hinarap ko siya--- nandun si Reyes. At tsaka ko nakuha yung sugat na 'to. Merong sakit ng ulo ang tumama sa akin bago yun kaya tuluyan na akong nawalan ng malay ng niligtas ako ni kuya PJ, at hinatid niya na ako pauwi." maikli kong pagkwento.


Ilang mga segundo ang lumipas bago nila naintindihan at na-proseso ang lahat ng aking mga sinabi.


"Wala bang crutches yung clinic?" tanong ni Darius.


"Wala ata eh. I mean--- may malapit na ospital mula rito sa school. Pwede tayo manghiram ng isa, since pwede naman sa school rules yun." paliwanag ni Hans.


"Wag na. Merong i-uuwi si kuya Gab mamaya." reklamo ko.


"At tsaka wala naman tayong P.E. ngayon." dagdag ko.


Nagsimula ang araw at nang dumating ang lunch time ay sama-sama kaming kumain kasama sina Rafael at Lance, "... So magkukuwento ulit ako?" tanong ko.


"Oo naman." bigkas ni Lance.


At matapos ko itong ikwento habang kami'y kumakain, "Eh yung CCTV man lang ba sa faculty o kaya sa hallway?" tanong ni Lance.


"Sinubukan na ni kuya PJ yun kaso hindi siya recorded. Bukas nga pero wala namang bantay." paliwanag ko.


"At tsaka walang silbing mag-report. Kasi wala naman tayong ebidensya, ang meron ay si Eiva, eh parang napaka-imposibleng mahuhuli natin siya." dagdag ko pa.


Nagpatuloy ang araw pagkatapos ng lunch...


Natapos ang araw ng eskuwelahan ngayon at nakita kong naghihintay si kuya Gab sa labas ng aming gate ng eskuwelahan na may dalang crutches. Isang pares.


"Ayun, buti naabutan kita kaagad. Ito na oh." bungad niya sabay bigay sa akin ng crutches. Nakikita ko sa mga pelikula o kaya naman sa mga palabas kung papaano ito ginagamit at pasalamat dun ay nagagamit ko naman ito ng maayos.


Pasalamat na rin at walang meeting ngayon, kaso kailangan ko pang bigyan ngbabala ang LIKE party rito para mapatumba si Eiva sa nalalapit na meeting de avance. Kailangan ako na ang gumalaw.


please vote and comment!~

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now