Chapter 53 - Panaginip (SPG)

1.9K 48 0
                                    

Ang mga huli kong naaalala ay ang mga pagbigkas ng aking pangalan mula kay kuya Gab at sa aking mga kaibigan.


Naaalala ko. Espirito lamang ako sa pagitan ng oras at kalawakan; isang mapaghiganti na kaluluwa.


Nasa aking paligid ang bundok Ganahao, ang mga tao nagtatrabaho, ang mga bata nagsasaya, at ang ilang mga kababaihan ay nag-uusap o kaya naman ay nakikitrabaho kasama ang mga kalalakihan.


Kahit na mayroong mga ngiti silang ipinapakita, kita ko ang takot at lungkot sa kanilang puso't kaluluwa.


Wala ang aking pisikal na katauhan, hindi ko makita ang aking sarili bilang ako, ngunit nakikita ko ang mga tao na nasa aking paligid. Tsaka ko napagtanto na kailangan kong makita ang katotohanan.


Isang lingon lamang, nakita ko ang aking maliit na sarili na ine-ensayo ng tatay. Tinuturuan niya akong umakyat ng puno, ang naalala ko nawalan ako ng mahahawakan at natumba.


"Kaya mo 'yan, anak. Wag magmamadali, unang subok pa lamang naman." bigkas ni tatay.


"Opo----!" sigaw ng aking sarili ngunit agad na nawalan ng kapit ang kamay tsaka tuluyang bumagsak.


Nakita ko ang aking maliit na sarili na tumayo at sinubukan muling umakyat ng puno kahit may mga maliliit na luha nang bumabagsak, pero kanyang pinipigilan ang mga ito; hindi ko maiwasang mapangiti sa aking nakikita, ang mga alaala na ito...


Ilang saglit pa ng aking pagtingin, namalayan ko na ito ang araw bago magsimula ang rebellion. Marunong na ako humawak ng armas at baril, ngunit pagdating lamang sa pag-akyat ng mga puno ang aking munting kahinaan hanggang sa mabuhay sa loob ko ang mapaghiganting espirito.


Sinubukan ko munang tingnan ang paligid ng bundok, upang maalala ang lahat ng mga tao.


Si nanay Lita, isang mananahi, tiga-laba rin; kasama na rito si  kuya Arnan at si tatay Ferlon, silang dalawa ang kumukuha ng tubig para magamit ng kanilang nanay sa paglalaba, ngunit sa pagkaka-alam ko ay hindi sila nakalabas ng buhay.


Tuluyan ang aking pagtingin hanggang sa nakita ko ang isang maliit na babae na nagtatago sa isang silid, nakalabas ang ulo at sumisilip mula sa pinto, sumisilip sa aking ensayo.


Ali...


Napatingin naman ako sa aking pamilya, ng makita ko ang aking kababatang sarili na naka-akyat sa tuktok ng puno ay nagbunga ang mga ngiti mula sa aking mga magulang; hindi ko naman maiwasang mahawa sa kanilang mga munting ngiti ng liwanag.


Bumaba na ang aking kababatang-sarili at sinalo pa ako ni tatay at sinabi, "Ang galing mo, anak!"


Unti-unting nawala ang aking ngiti ng marinig ang mga ito sa isang panaginip.


Tsaka ko napagtanto at nagtaka kung papaano ko gigising at kung kailan ako makalalayas sa panaginip na ito.


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now