Chapter 7 - Tatay Kalvi

3.1K 127 3
                                    

Isang linggo halos ang lumipas matapos akong i-ampon, ngayon ang araw na aalis na si Tatay Kalvi para mag-Amerika.


Ako na mismo ang nagsabi na hindi ako sasama...


"... Gusto ko pong magbigay ng hustisya..." bigkas ko habang nasa kwarto ako kasama si tatay Kalvi isang gabi bago ang kanyang pag-alis.


"... Sure ka?" tanong niya.


"Opo. Wala na rin naman pong patutunguhan ang bagong buhay ko kung hindi ko kukunin ang pagkakataon na ito." bigkas ko.


"... Siguro nga. Pero tandaan mo... kapag kailangan mo 'ko, sabihan mo lang si kuya Gab mo, at tutulungan kita." bigkas niya.


"Tatay Kalvi... ba't... ba't po kayo kaagad na pumayag na ampunin ako?" tanong ko naman.


"... Alam mo, nung una talaga dapat si kuya Gab mo ang aampon sa'yo. Pero... kinulang pa ng isang taon bago siya maging legal na mag-ampon... dapat kasi 16 years ang agwat ninyo... kaso... 15 years lang. 9 ka, siya 24. At magkaparehas pa kayo ng buwan ng kaarawan." paliwanag ni tatay Kalvi.


"Ganun po ba? Pero- bakit niyo pa rin ako inampon kahit hindi siya ang magiging tatay...?" tanong ko.


"Kasi malaki ang utang ko sa pisnan mo, at may tiwala ako sa kanya." paliwanag niya.


"Noong buhay pa ang babaeng dapat niyang pakakasalan... yumao siya bago pa man lumabas ang kanyang anak. Ang pangalan mo... Calvin... yun ang plano nilang ipangalan sa anak nila. Siya ang nagpangalan sa'yo ngayon. From Carl... to Calvin." paliwanag niya.


Napayuko naman ako't napa-isip.


"Edi... tungkol po dun sa asawa ni kuya Gab..." bigkas ko.


"Isang pangako ang nais niyang itupad. At sigurado akong, isa kang hulog ng langit para sa kanya, kasi simula bukas, siya na ang tatayong tatay para sa'yo." paliwanag ni tatay Kalvi sabay himas ng aking ulo.


Napatingin naman ako sa kanya't sinabi, "Pangako po. Itutupad ko po yung pangako na yun, magiging mabuting bata po ako para sa kanya... poprotektahan ko po siya. At magbibigay hustisya ako para sa magulang ko..." bigkas ko naman.


"Basta promise mo yan... anak..."


Kinabukasan...


"A-ako po mag-d-drive?" tanong ni kuya Gab habang nakabihis na kami para sa paghatid kay tatay Kalvi sa airport. "Aba'y syempre naman. Ala nga namang mamasahe kayo pabalik, sobrang haba ng biyahe niyo't magastos pa." paliwanag ni tatay Kalvi sabay bigay ng susi.


"Sa... inyo po ba yung kotse tatay?" tanong ko.


"Oo. Binili ko yan nung unang pagpunta ko rito sa Pilipinas." paliwanag niya, senyales na ang bakasyon niya rito sadyang kayamanan talaga ang meron siya, kaya walang duda makapangyarihan si tatay Kalvi.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now