Chapter 18 - IHaus

1.8K 62 0
                                    

"... P-papatayin mo si tatay?" tanong ni Darius.


"Kung kapalit nito ang sarili kong buhay, ikinagagalak kong hilahin siya pababa sa impyerno kasama ko." pagdedeklara ko.


Dinig ko ang kaba sa kaniyang paglunok at sinabi, "... Bakit? Pipigilan mo ba ako?" tanong ko.


Umiwas ng tingin si Darius at sinabi, "... Hindi." 


"Tara. Baka ma-late pa tayo." bigkas ko't nanguna na habang ako'y kanyang sinusundan.


Kita kong nakayuko pa rin siya habang kami'y naglalakad tungo sa eskuwelahan. Nang nakarating na kami sa loob halatang hindi niya ipinagmamasdan ang aming dinadaanan, halatang nag-iisip lamang siya ng malalim at kabado habang sinusundan ako.


Pumunta ako sa cafeteria para kumuha ng dalawang maiinom na nasa lata at nang makuha ko ang mga ito. "Salo." bigkas ko sabay hagis ng lata ng inumin sa kanya't sinalo naman ito.


"Masyado kang naguguluhan kung kanino ka kakampi?" tanong ko.


"... Oo. Eh- si tatay- oo tatay ko siya pero... minsan din kasi sumusobra pananakit niya sa akin. Kaibigan kita, kaso... ayoko namang mawala yung tiwala mo sa akin." paliwanag niya.


"Wag mo nga muna isipin 'yang bagay na 'yan. Sa ngayon may mas importante pa kaysa sa akin ang dapat natin asikasuhin." sabi ko.


"Hm? Sino?" tanong niya.


"Si Lance." sagot ko.


"Alam mo na ba kung saan siya lilipat next year?" tanong ni Darius muli ng papunta na kami sa aming classroom.


"Hindi pa. Pero tinext ko na kagabi ang lahat na kakain mamaya para pag-usapan yung sitwasyon. Mas maaga mas maganda kaysa sa patuloy na lalamya-lamya si Lance, hihina ang utak nun baka bumagsak pa." paliwanag ko.


"... B-bakit hindi ako nakakuha ng text?" tanong niya.


"Ha? Eh hindi ka naman nakakasali sa amin eh." reklamo ko, "Kapag inaaya ka namin laging nandiyan na yung sakay mo pauwi, hinihintay ka." dagdag ko, "So bakit pa ako mag-te-text kung hindi ka naman makakasama? Sayang load no, mahirap buhay." dagdag ko muli ng may kaonting pagbibiro.


Bumuntong-hininga siya't sinabi, "Sa bagay... pero- promise! Ngayon talaga, sasama ako." pagdeklara niya.


"Talaga ba?" tanong ko muli.


"Oo. Ito oh. Tinext ko na driver ko." bigkas niya sabay text sa kanyang driver at ipinakita naman sa akin. Ilang saglit lang habang nasa harap na kami ng classroom ko, "Oh. Ayan oh. May reply na." bigkas niya.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now