Chapter 52 - Hustisya

964 47 0
                                    

"... Itupad mo na ang pangako... patayin mo na 'ko." aking utos.


Nanlaki ang mga mata ng lahat ng aking sinabi ito, "Cal-vin...?" bigkas niyang tanong ng aking pangalan.


"Hindi... hindi... hindi kita papatayin." tutol niya.


"Ito na yung pagkakataon mo, Darius..." muli kong pagkumbinsi.


"Hindi ko kayang... patayin ang isang taong mahal ko sa-" ngunit pinutol ko ang kanyang mga salita, "AKO ANG PUMATAY SA AMA MO! PARANG AWA MO NA PATAYIN MO NA AKO!" bigkas ko ng ipinahawak ko sa kanya ang baril at itinutok na ito sa aking ulo.


Ngunit bago pa man ako ang magpaputok nito agad akong nakaramdam ng matinding sakit sa aking likod matapos kong marinig ang putok ng bala.


(Gab's POV)


Agad akong napatingin sa sanhi ng pagputok, "ENDINO!" aking sigaw ng kinuha ko ang baril na hawak ni Calvin at Darius bago ito paputukin kay Endino ng dalawang beses.


Tuluyan siyang bumagsak, pati na rin si Calvin.


Ilang saglit lamang nakaring na kami ng mga tunog ng ambulansya at ng mga pulis. "Calvin!" agad kong bigkas ng aking inalalayan ang kanyang walang malay na katawan.


Ilang oras ang lumipas...


"... Doc, kamusta ang pinsan ko?" aking tanong matapos kong bumalik mula sa pagpapagamot ng aking mga sugat.


"The operation went well. Unfortunately, we can't do anything about his right eye, he can only use his left now. I'm sorry." bigkas ng doktor.


"... Sige po... salamat." tahimik kong sabi.


"Halos kalahati hanggang isang buwan ang kailangan niya para sa full recovery." dagdag ni doktor at umalis na.


Naipakwento ko na rin kay Hans ang lahat sa nangyari, at least siya ligtas, ngunit ang mga bata sadyang hindi nila makakalimutan ang kanilang naranasan.


Sumunod na araw...


Mag-isa ako sa kwarto kasama ang walang malay na si Calvin. Ilang saglit lamang ay nakatanggap ako ng isang tawag mula kay tito, "Hello?"


"I saw from the news, heard from the radio, the newspaper, everywhere! Calvin's name is all over the place." bungad niya sa akin.


"Sasabihin ko nalang po ang totoong nangyari pagdating niyo rito." bigkas ko.


"Naiintindihan ko. I'm already at the airport, just waiting for a few before I get on my flight. I'll be there by tomorrow." ang huling bigkas ni tito bago niya ibinaba ang tawag.


Calvin... sana magising ka na...


Sumunod na araw...

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now