Chapter 47 - Impormasyon

1K 37 3
                                    

Isang linggo ang lumipas at malaking pasasalamat at gumaling na ang aking sugat. Nakakalakat na rin ako ng maayos at nakakatakbo na.


"Kuya Gab." bigkas ko, isang magandang umaga na bumungad sa aming dalawa.


"Hm? Ah, Calvin. Tara, kain." bigkas niya, sabay pagpapapresenta ng aming almusal.


Sumang-ayon naman ako't nagsimulang kumain kasama siya. "... May, ipapatulong sana ako." panimula ko.


"Tungkol saan?" tanong niya pabalik.


"Kay Reyes. Nakuha ko na ang impormasyon tungkol sa kanya mula kay Eiva." panimula kong paliwanag.


"Ah, oo... nag-trend ka dahil sa ginawa mo. Maraming negative responses... lalo na ang school, pero... pasalamat naman at walang naging seryosong problem sa mga magulang ni Eiva." tugon niya.


"Wala akong paki-elam sa ganun. Binigay niya na sa akin ang lokasyon kung saan ang trabaho ng mga katulad ni Reyes." paliwanag kong tugon.


"Edi... gusto mo ipa-aresto na si Reyes?"


"Hindi--- kailangan ko ng tulong niya."


"HA!? Pupunta ka sa lugar nila?"


"Aba'y malamang. Pero hindi ako nag-iisa, kaya nga magpapasama ako sa'yo."


"Ahh... sus naman. Sige, basta huwag lang tayo magtatagal dun at baka kung ano pa mangyari. Pulis ako at eh baka mapagkamalan ako, sana nga lang ay si Reyes eh makaunawa sa sitwasyon."


"... Ako bahala." ang pagtatapos na aking idineklara.


"Kapag nakumbinsi natin siya na ibigay ang lahat ng impormasyon tungkol kay Endino, tsaka natin siya susugurin sa lahat ng kanyang mga ginawa." dagdag ko.


Bumuntong-hininga si kuya Gab at, "Oo na. Oo na. Kailan ba tayo aalis?" tanong niya.


"Mamayang gabi." tugon ko kaagad at tumango si kuya Gab.


Nakapaghanda na kami para sa oras na ito at nakapagbaon na rin naman na kami ng payong dahil sa umiiyak na langit sa kagat ng dilim. 


Nagtungo na kami sa kotse't bumiyahe na. "Ito yung lugar. Sundan mo lang yung mapa." bigkas ko sabay pakita ng mapa mula sa aking phone.


May kalakasan ang ulan, pero parang wala namang posibilidad na babaha agad-agad. 


"Ang kinakailangan lang naman talaga natin ay impormasyon, wala ng iba. Hindi naman tayo makikipag-away." pagkaklaro ni Clavin habang nasa loob ng biyahe.


Ilang mga sandali pa at kami'y nakarating na sa lokasyon na kinakailangan naming puntahan. Bumaba na kami mula sa kotse nang ami'y binuksan ang mga payong para maprotektahan mula sa luha ng langit.

Carl to Calvin [COMPLETE]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin