Chapter 44 - Meeting De Avance

950 36 0
                                    

"Kung kailangan natin malaman ang totoong pangalan ni Reyes, kailangan mapatumba mo muna si Eiva para makakuha ka ng mga impormasyon tungkol sa kanya."


Ito ang mga salitang sinabi sa akin ni kuya Gab bago ako magtungo sa eskuwelahan.


Sa ngayon ang collaboration ng schools para sa Central Student Council ay laging naibabahagi sa aming parte, hindi sa girls' division campus, kaya any time ay pwedeng dumalo ang mga babae rito for that purpose, kaya naman pala nakarating dito si Eiva ng walang problema, since running nga naman siya para sa posisyon, obvious na ang unang parte ng kanyang stratehiya.


Nang makarating na kami ni kuya Gab sa harapan ng aking eskuwelahan ay nagpaalam na siya't umalis na habang ako naman ay nagtungo na sa loob. Nakita ko namang naka-abang sina Hans at Darius habang naka-upo sa hagdan.


"Morning." bungad ng dalawa.


"Gandang umaga." at matapos nito ay tinulungan na nila ako sa aking gamit at alalayan paakyat ng hagdan tungo sa aming silid.


Nang makarating kami sa loob, hindi katagalan ay nakita kong sinesenyasan ako ni kuya Harry mula sa labas ng classroom.


Agad ko namang kinuha ang crutches at nagtungo sa labas ng classroom; sa hallway, "Nakwento lahat sa akin ni PJ, okay ka lang ba? Hindi naman malala?" tanong niya.


"Hindi naman, sugat lang naman. Isang linggo lang siguro okay na 'to. Hindi naman pilay eh. Mahirap lang maglakad talaga kasi nakaka-abala nga yung sugat." paliwanag kong tugon.


"Sige, basta sabihan mo muna ako o kaya sa mga kaklase mo kung pupunta ka kung saan. At tsaka mamaya na nga pala yung mismong meeting de avance." matapos nito ay kanyang tinuro at lumingon kami sa field kung saan maraming mga upuan ang inaayos, "Dun, dun tayo sa stage. Maraming tao, buong school kasama ang mga babae ang manonood." paliwanag niyang dagdag.


"Pakisabi sa lahat ng LIKE party na kakausapin ko sila at least 10 minutes bago yung program. O kaya naman lunch, kahit anong oras, basta lahat libre." request ko.


"Hm? Para saan?" tanong naman niya.


"May kailangan akong importanteng sasabihin." tugon kong paliwanag.


Ilang segundo ang lumipas bago siya sumang-ayon, "Sige. Text ko sa'yo kung saan at anong oras." at nagpaalam na siya't ako'y nagtungo na muli sa loob ng classroom.


Nagpalipas ang oras a break time ng thirty minutes. Habang kumakain sa classroom ay nakatanggap ako ng isang text mula kay Harry na nagsasabing, 


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now