Chapter 28 - Disiplina

1.2K 49 1
                                    

Natapos ang maliit naming pista at nang kami'y nasa labas na ng IHaus, "Ala pa ba yung sundo mo Darius?" tanong ni Lance.


"Ah, parating na. Mga five minutes siguro." tugon niyang hula.


"Ah, eh papaano, una na kami?" tanong ni Hans.


"Oo, okay lang. Baka gabihin pa kayo." tugon ni Darius pabalik.


"Samahan ko na siya, una na kayo." bigla kong sabi at tumabi ako kay Darius.


"Uy, Calvin ah." halata ang tukso at iksabihin ng ngiti na ipinapakita ni Ali sa akin at binigyan ko siya ng istriktong pagtingin pero hindi ito napigilan ang kanyang kakaibang titig sa amin.


"Oh sige. Basta uwi ka kaagad ah." paalala ni Rafael at nanguna na sila.


Tahimik kaming naka-upo sa parehas na bench, halata ang nerbiyos niya at ako naman ay nananatiling tahimik habang nakadekwatro ang aking mga paa't nakahalukipkip tsaka nakatingin sa kung-saan.


"... Hindi ba... nangyari na 'to dati?" una niyang bigkas.


Tahimik ako ng ilang segundo't sinagot siya ng simpleng, "Oo."


Agad kong naalala ang puwersa na pilit akong tinutulak para magtagpo ang mga labi namin ni Darius nung gabing yun, hindi ko maiwasang pagpawisan ng marahan kaka-isip ukol dito.


"Sa tingin ko..." bigkas niya't ilang saglit ay kanyang ipinagpatuloy, "Mas maganda nga na hanggang kaibigan lang tayo." dagdag niya.


Nanlaki naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi at pinahihinto nito ang mga salita na nais kong sabihin sa kanya.


"Siguro nga..." Biglaang napalabas mula sa aking bibig ang mga salitang ito na nagdulot ng gulat sa aking sarili at pagkalito.


"Ahh... buti naman, sumang-ayon ka. Baka kasi... mag-iba pa tingin mo sa akin. Pasensya ka na ah. At tsaka masyado pa nga pala tayong bata para pag-usapan yung mga ganitong bagay." tugon niya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang titig kahit hindi pa nagtatagpo ang aming mga mata sa isa't isa.


Gusto kong bawiin ang sinabi ko kaso, pero mukhang nalagpasan ko na ang pagkakataon.


Ilang saglit ng aming katahimikan ay bumungad sa amin ang isang mahabang kotse at ilang segundo ay lumabas ang isang lalake, ang tatay ni Darius na si Emmanuel.


"Darius, tara na. Gabi na ah?" tanong ng kanyang tatay.


"Ahh, kumain lang kami ng mga kaibigan ko kasi nag-entrance exam si Lance tapos-" pinutol niya ang pangungusap ni Darius ng kanyang sinabi, "Wag ka na magkwento, pumasok ka nalang sa loob ng kotse." utos niya.


"O-opo..." tugon ni Darius at pumasok na sa loob ng kotse pero si Emmanuel hindi pa.


Carl to Calvin [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن