Chapter 23 - Sing-Off

1.3K 52 2
                                    

"Ano meron?" tanong ni Hans.


"Hm? Ala." tugon ko't umupo na.


"Good Day everyone. Thank you all for coming, as you may have seen through the posters, we're literally going through this sing-off. Sayang naman diba?" tanong ni Ma'am Ivara.


"Anyway, today we also have the current members of the grand choir as well." bigkas ni ma'am.


"Now, we will first hold the auditions then the sing-off." tugon ni ma'am.


Nagsimula ang auditions, maraming magagaling at marami rin naman, medyo nahirapan. Para siyang strict na auditions, kapag hindi maganda ang pagkanta mo papipigilin ka kaagad.


"Grabe naman..." komento ni Hans.


Sa bawat pagtatapos ng kanta ng isang audition ay naririnig ko ang maliit na usapan pati na rin ang mahinang kantahan ni Rafael at ng isang babae, halatang si Enie ito ukol sa kanyang boses kumpara sa kanyang normal na pananalitang boses.


Natapos ang normal auditions, sa wakas ay panahon na ng sing-offs ni Enie at ni Rafael.


"Okay. This is how it's gonna go down. We have a 3-song presentation. One from each of the candidates and the last duet will be held. To be the first to sing, Enie Cruz!" tugon ni ma'am Ivara at ubod ng palakpak ang bumungad sa auditorium.


"Hi po sa inyong lahat." bigkas ni Enie sabay punta sa stage, "I am Enie Cruz, so I'm the one who actually proposed this sing-off. The reason is that, this kind of event is too rare, actually minsan lang talaga 'to- once a year halos." paliwanag niya.


"Thank you, Rafael for making this happen." pasasalamat niya.


"So, today, for my solo performance, I'm gonna sing, Before He Cheats by Carrie Underwood." tugon niya.


"Hmm, country." komento na bulong ni Lance.


"I hope you like it." bigkas ni Enie at nagsimula na ang tugtog.



"Powerful ang boses niya..." komento ni Lance.


"Well sa bagay- may title siya diba?" tanong ni Ali.


"Oo, meron." tugon ni Lance.


"Title?" tanong ni Mae.


"Lahat ng magagaling na singers may title sa E.I.J kasama na rito ang group. Si Rafael, King of Strings, nakuha niya yung title nung nanalo siya sa kiddie singing contest, tapos nasa Fantastic Four pa siya ng school natin." paliwanag ni Lance.

Carl to Calvin [COMPLETE]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin