Chapter 17 - Kahon ng Nakaraan

1.7K 75 0
                                    

Agad kaming nakaraning ng mga hakbang at pagtalikod namin bumungad sa amin ang limang lalake, "Nga naman, no? Hindi ba tiga-bundok ka rin dati? Calvin Reid? Oh baka naman mas gusto mong tawagin kita sa tunay mong pangalan. Carl Concepcion?"


"Endino." banggit ko.


"Endino? Emmanuel Aliguyon Endino?" tanong ni kuya Gab habang hawak na niya ang kaniyang baril.


"Oh teka teka. Hindi naman ako naririto para makipag-barilan, unless gusto niyo nga ng gulo?" tanong niya sabay ang apat na lalake na nasa kanyang likod tinapat ang kanilang baril sa amin at si kuya Gab naman ay tinapat ang kaniyang baril sa kanila.


Dineretso ko ang tingin ko kay Endino at sinabi, "Kuya Gab." at binaba niya ang kaniyang baril, pati na rin ang apat na lalake na nasa likod ni Endino.


Sunod akong humakbang ng kaonti at sinabi, "Ano kailangan mo?" tanong ko.


"Ikaw. Kapag sumama ka ng tahimik, walang masasaktan." bigkas ni Endino.


"Bakit naman?" tanong ko.


"Kunin niyo siya." utos niya sa kaniyang dalawang alagad at pinalibutan ako, ang dalawa ay hinawakan ang aking balikat at agad akong tumalikod sa kanila't hinigpitan ang kapit sa kanilang mga braso't hinila papunta sa akin tsaka itinama ang aking mga palad sa kanilang mga baba tsaka sila itinumba.


"Kuya Gab!" sigaw ko't agad niyang kinuha ang kaniyang baril tsaka itinapat sa dalawang lalake na meron sa aking likod. Sunod kong itinalikod ang aking sarili sa harap naman ng dalawang may baril at itinalisod silang dalawa gamit ang aking paa.


Kinailangan ko lang ang kanilang atensyon tungo kay kuya Gab para mapatumba sila.


Tumakbo na ako tungo kay kuya Gab, "Tara. Dali!" at kami'y tumakas na. Walang tigil ang aming takbo hanggang sa makarating kami sa baba ng bundok at nakarating na sa aming kotse.


Nagmamadali kaming umalis sa lugar at nagtungo na sa biyahe. Hinahabol pa rin namin ang aming hininga habang nasa kotse. "Sabi na nga ba merong tao eh!" bigkas ni kuya Gab.


"... Hindi ko naman akalain na nandun siya." reklamo ko.


"Eh ano ba meron sa bundok na yun?" tanong ni kuya Gab.


"... Hindi ko alam, bukod sa tahanan namin." paliwanag kong sagot.


"Mukhang magiging delikado rin kapag nagpa-search pa tayo ulit. May sikreto sa bundok na yun." komento ni kuya Gab ng patuloy kami sa aming lakbay pauwi.


"... Parang mas maganda na kalimutan na muna natin ang nangyari, nakakagutom 'tong ginagawa natin. Ano gusto mong tanghalian?" tanong niya.


Napatingin naman ako sa bintana't sumagot, "Kahit alin." 


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now