Chapter 11 - Natutunan sa Nakaraan

2.4K 101 7
                                    

Nang matapos akong kausapin ng punong-guro ay ipinagpakita kami ni Darius at sinabing magbati na raw kami.


Siguro isang paraan para makalapit ako sa pamilya niya ay ang kaibiganin ko siya kaysa sa gawin ko siyang isang prenda para sa aking mga plano.


"... Papakilala ko ulit sarili ko." bigkas ko.


"Ako si Calvin Reid." tugon ko.


"... D-Darius..." bigkas niya, halatang ayaw niya marinig ko ang kanyang huling pangalan, o apelyido.


"Ikinagagalak kong makilala ka..." bigkas ko.


"A-ako rin." Ramdam ko ang kanyang kaba sa mga nauutal niyang bigkas pati na rin sa kaba ng kanyang pakikipagkamayan sa akin.


"Okay, good. Pero hindi iksabihin na we'll just let it off. We'll be calling your guardians or parents para ma-re-assure ang problema. But don't worry, hindi na rin naman na kayo kasali sa usapan since tapos na yung turn niyo." bigkas ng punong-guro at tumango ako bilang pagsang-ayon.


Pagbalik namin sa classroom ay nanlaki ang mga mata ng aming mga kaklase sa nangyari, malamya at malungkot na may halong takot ang mukha ni Darius habang ako naman ay matagumpay ang presensya.


Ilang mga oras ng pag-aaral pa ang aming nailaan at natapos na ang araw na ito.


Inaya nila akong maglaro at sinabi ko naman na kanina na papayag akong makipaglaro sa kanila, pero napansin ko na kaagad na umalis si Darius mula sa eskuwelahan.


"Hayaan mo na siya, Calvin." banggit ni Hans habang nakatingin ako sa gate at kami'y nasa field, handa na maglaro.


"... Sige." sagot ko.


"Okay, Calvin ikaw taya!" sigaw ni Lance.


"... Ano... nilalaro natin?" tanong ko.


"Habulan! Basta habulin mo lang kami tapos dapat mahawakan mo kami. Tapos sasabihin mo 'taya' walang balikbayan iksabihin yung nakataya sa'yo bawal mo tayain ulit." paliwanag ni Ali.


Habang na-iintriga sa pagpapaliwanag si Ali ay lumapit ako kay Rafael at agad na sinabi ni Mae, "Game!" at agad kong hinawakan sa balikat si Rafael at sinabi, "... Taya." na may ngiti.


Nanlaki ang mga mata ni Rafael at sinabi, "O-oy...! Gara-! Ang daya naman!" reklamo niya habang nasa akin pa rin ang ngiti ng tagumpay at para bang agad kong ipinanghihimas 'to sa kanya.


"Taya ka, Rafael!" sigaw ni Hans at sunod na hinabol ni Rafael ang iba.


Malapit na kumagat ang gabi at kami'y umuwi na, nga pala late uuwi si kuya Gab, kaya kailangan kong magluto ng pagkain. Sa bundok isa ako sa mga batang nagluluto kasama ang ilan dun.


... Dito ko sana sinimulan ang maliit naming higanti... ang pakainin sila ng lason. Kaso saan naman kami makakakita ng lason sa bundok? Ni hindi nga namin alam kung anong halaman ang may lason, o kung meron man.

Carl to Calvin [COMPLETE]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu