Chapter 20 - Pahiwatig

1.6K 55 1
                                    

Natapos ang aming munting pista at nang kami'y nasa labas ng IHaus...


"Uy paano? Una na kami? Ikaw ba Darius?" tanong ni Ali.


"Hihintayin ko pa yung sundo ko." sabi ni Darius.


"... Sige, una na kayo. Samahan ko nalang muna si Darius." bigkas ko.


"Oh sige, ingat ka pauwi, Calvin!" paalam nila Hans at umalis na sila.


"... Bakit mo naman naisipang samahan pa ako?" tanong niya't umupo kaming dalawa sa isang bench.


"Wala lang. Gusto lang din kasi kita kausapin saglit." bigkas ko.


"Hm? Tungkol saan?" tanong niya naman.


"Tungkol sa tatay mo." sagot kong deretso.


"May gusto kang malaman?" tanong niya.


"Lahat." sagot ko.


Bumuntong-hininga siya't sinabi, "Alam mo namang hindi ko magagawa 'yan. At tsaka kung ako sa'yo dapat nga sumabay ka na sa kanila. Kapag kasama pa tatay ko sa pagsundo sa akin malalagot ka pa." sabi niya't napayuko.


Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin, "Alam kong gusto ng tatay mo na patay ako, pero alam ko rin na hindi basta-basta gagawin yun ng tatay mo." paliwanag ko.


"Bakit naman?" tanong niya.


"Kasi ma-proseso tatay mo. Ganun ang ugali niya nung nakikita ko siya sa bundok dati pa. Hindi ka niya papatumbahin ng ganun ganun lamang. Nung nakita ko siya sa bundok nung Sabado, alam kong hindi naman talaga niya ako balak kunin, isang babala lamang ang ginawa niya." paliwanag niya.


"... Paano mo naman nasabi?" tanong niya sabay lingon sa akin.


"Isang babala na dapat lumayo ako sa'yo at baka-sakali talagang gusto niya akong mapunta sa kanya." sagot ko.


"... Ano ibig mong sabihin?" tanong niya pabalik.


"Balak niyang sirain ang buhay ni Calvin." tugon ko.


Napayuko muli siya at sinabi, "So totoo nga...?" tanong niya, "Totoo na hindi ka pinanganak na si Calvin?" dagdag niya.


"... Sorry, pero- parang alam mo na rin naman siguro yun. Ang totoo kong pangalan ay Carl Concepcion." sagot ko, "Isa ako sa tauhan ng tatay mo sa bundok, pero ang tatay ko naman ang nagsimula ng rebelde sa tatay mo kaya obvious lang kung bakit gusto niyang patayin ako." paliwanag ko.


"... Wala akong paki-elam..." bulong niya.


"Hm?" napatingin naman ako sa kanya.


"Wala akong paki-elam kung ano ka sa nakaraan mo." komento niya, "Wala rin akong paki-elam kung ano ang pinagdaanan mo dahil sa tatay ko. Kasi... ang may paki-elam lang ako ngayon... ay yung taong katabi ko. Ikaw, Calvin. Itapon mo man ang katotohanan sa mga ginawa ng tatay ko, alam ko na ang lahat ng yun, kaya pasensya na't sinabi kong wala akong paki-elam. Pero... at least man lang malaman mo na..." unting nawala ang kanyang mga salita ng nagtagpo ang aming mga mata.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now