Chapter 42 - Piraso

901 40 0
                                    

"Pagkatapos ng meeting ng party namin para sa meeting de avance, nung papunta ako ng clinic ay napakinggan ko ang pag-u-usap sa loob ng faculty dahil tahimik din naman kasi sa hallway. Nakita ko si Eiva sa loob at tsaka ang isang lalake, ang pangalan ay Reyes. Napagtanto ko na ang mga papel na kinuhanan niya ng letrato ay para sa meeting de avance. Binanggit ng lalake na may kontrata ang dalawa tungkol sa pagprotekta sa kanya dahil alam niya na baka gambalain siya na kung sino; nagkataon na ako yun." panimula kong kwento.


"May nakaraan kami nung lalake, nakaharap ko na siya at pangalawang beses na akong niligtas ng iba." nang idinagdag ko ito ay napatingin ako sa aking mga palad. Napagtanto ko na hindi pa ako ganun kalakas para magbigay ng makakaya ko para patumbahin ang mga kalaban ko sa kinabukasan.


"Ahh, so bale... mandadaya si Eiva?" tanong niya.


"Yun na nga... Ikaw ba? Ano ba ginagawa mo't napunta ka sa hallway na yun?" tanong ko.


"Hinahanap ko si Eiva, sabi ng mga kaklase niya na pauwi na eh papunta raw siya sa hallway na yun kaya dun ako tumungo ako dun at tsaka ayun--- nakita ko yung sitwasyon sa loob ng faculty." paliwanag niya.


"Bakit mo hinahanap si Eiva?" tanong ko.


"Ahh, mang-- hihingi lang naman ako ng pabor." tugon niya.


"Anong pabor?" tanong ko muli.


"... Na makipagbalikan. Ex ko si Eiva." sagot ni PJ.



"Okay lang ba kung matanong... papaano kayo naghiwalay?" nilakasan ko ang loob ko para maitanong ito sa kanya.


"Siguro isang linggo pagkatapos nabuo ang party nila para sa susunod na student council. Masyado siyang busy sa pagpaplano, minsan kinukulit niya ako na iwanan muna siya. Naiintindihan ko naman siya kaso to the point na kahit yung suporta ko eh ayaw niyang tanggapin, tsaka ako nasobrahan... siya pa nga yung nanguna eh." paliwanag niya.


"Bakit... desperado si Eiva na makuha yung posisyon?" tanong ko.


"Kasi siya ang bunso, at ang busno ang laging minamaliit sa kanyang pamilya, ang panganay ang laging binibigyang pansin. Sa bawat tagumpay na nakukuha ni Eiva eh ako lang ang nakapapansin dahil dedma lamang ang kanyang mga magulang, masyadong tutok sa kinabukasan ng mga kapatid niyang nasa kolehiyo na." kwento niya.


"Kaya kapag naging presidente siya, sa tingin niya makukuha na yung atensyon ng mga magulang niya sa kanya." dagdag niya.


Hindi ko masyadong maunawaan ang sitwasyon ngunit madali kong naramdaman ang pinagdadaanan ni Eiva.


Wala man akong kinalaman at alam sa kanyang nakaraan, pero si PJ alam niya dahil naibahagi na ni Eiva ito sa kanya.


"Narinig ko kanina sinabi ng lalake eh Carl? Eh diba ang pangalan mo ay Calvin kamo?" tanong niya.


Biglang naputol ang aking pag-i-isip at napahinto ng saglit tsaka nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko pa ito maibabahagi sa kanya dahil nagkakilala lamang kami ngayon. "Um-- palayaw. Nickname ko lang." sagot ko.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now