Chapter 22 - Kabado

1.5K 51 3
                                    

Lunch...


"Hi guys." bati sa amin ni Rafael.


"Hm? San ka galing? Napatagal ka ata?" tanong ni Hans.


"Ah- pasensya na. May maliit na meeting lang kasama si Ma'am Ivara." paliwanag niya.


"Para sa sing-off?" tanong ko.


"Oo, Calvin. Sing-off. Meaning, tinanggap ko na ang hamon ni Enie." paliwanag niyang tugon.


"Hindi mo ba nahahalata?" tanong ni Lance.


"Ang alin?" tanong naman ni Rafael.


"Sure may crush sa'yo si Enie." pagrarason ni Lance.


"Naku, mga kabalbalan mo." reklamo ni Rafael.


"... Hmm, may point naman si Lance." pagsang-ayon ni Darius.


"Bakit naman?" tanong ko.


"Malay mo diba? Hindi ka naman mapipilitan kung iba eh." sagot ni Darius.


"Ha?" naguluhan lamang ako sa kanyang sinabi.


"Meaning, ginagawa niya ito para makuha ang atensyon ni Rafael." tugon niya para sa aking katanungang pagkaklaro.


"Ewan ko sa kanya, 'di ko bet." tugon ni Rafael.


"Wow naman, taas ng standards." komento ni Hans.


"Ewan ko sa inyo." sabi niya't nagsimula na siyang kumain kasabay kami.


Uwian...


Sinubukan naman naming puntahan sina Ali at Mae at nakita naming may kausap si Mae na lalake, matangkad at halatang 'di tiga-rito banda dahil sa kanyang suot at si Ali naman ay bumibili ng ice cream sa isang vendor.


"Guys!" bungad ni Lance at napatingin ang tatlo sa amin.


"Uy!" sabay kaway ni Ali sa amin.


Nginitian naman kami ni Mae at bumalik ang lingon sa lalake at pinagpatuloy ang pagkakausap.


Nang nakalapit na kami, "Guys, si Andron nga pala." pagpapakilala ni Mae para sa lalake, "Hi." bungad niya.


"Uy, ano- baka ma-late pa ako. Una na ako ah." pagpapa-alam ng lalake kay Mae.


"Ay, sige sige. Bye!" at umalis na ang lalake sabay nakita kong sumulyap pa sa akin.


"Sino yun?" tanong ni Rafael.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now