Chapter 21 - Unsure

1.6K 55 0
                                    

Sumunod na araw ay ang Martes...


Kasabay kong maglakad patungo sa school si Rafael.


"Bro, kilala mo ba si Enie?" tanong niya habang kami'y naglalakad.


"Hmm, hindi eh. Bakit? tanong ko naman.


"Siya yung presidente ng choir sa all-girls." banggit niya.


"Oh eh ano naman meron?" tanong ko muli.


"Hinahamon niya ako sa sing-off para sa position ng presidente ng E.I.J Choir. Magkaiba kasi yun. Bale, co-gender ang choir na yun kaso the best among the rest lang ang natatanggap." paliwanag niya.


"Eh second year ka pa lamang ah?" tanong ko.


"Yun nga eh, kaya sure ako baka sa position ng secretary o kaya naman sa ibang position, hindi nga lang president at vice president. Late na niya yun ma-re-realize sure." sabi niya't natawa ng marahan.


"Ano naman ba kinalaman nun sa akin?" tanong ko muli.


"I mean- sa tingin mo ba? Gagawin ko? Kasi madalas ang pangyayari eh voting lang tas candidate, pero may option na sing-off kung dalawa lang ang tatakbo para sa posisyon, madalas yun sa president." paliwanag niya.


"Ikaw bahala. Malaman mo lang na kapag kinakailangan mo ng tulong, kaya namin gumawa ng banner o kaya mangumpanya para diyan." pabiro kong sabi.


"Wow... salamat." pasasalamat niya naman na para bang hindi siya sigurado sa sinabi ko.


Nakarating na kami sa eskuwelahan matapos ang ilang mga minutong paglalakad, at sakto naman na bumungad sa amin ang kotse ng hatid si Darius nang siya'y lumabas mula rito kasama ang isang babae, ang kanyang nanay.


"Oh, Darius, mag-iingat ka sa school ah. Mag-aral ng mabuti." utos niya.


"Opo ma." sabi ni Darius na halatang may lungkot sa mukha.


"Hm... mga kaibigan mo." nag-iba ang kanyang tono habang kami'y nakatingin sa kanila.


Nang nagtagpo ang mga mata namin ay nginitian niya ako sabay kaway ng kamay.


"Hmm, sige. Una na ako." bigkas ng kanyang nanay at pumasok na sa kotse't umalis na habang si Darius ay naglakad tungo sa amin ni Rafael.


"Morning." bati niya.


"Morning." bati namin ni Rafael.


Nang nagtagpo ang aming mga mata ni Darius ay agad na iniwas niya ang aking titig at sinabi naman ni Rafael, "Guys, una na ako ah. Kung mag-uusap kayo dalian niyo, wag kayong ma-la-late." paalam niya sabay alis.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now