Chapter 19 - Lance

1.7K 59 2
                                    

Bumuntong-hininga si Lance at sinabi, "May point pa ba kung sabihin ko? Eh mukhang alam niyo na lahat eh."


"Gusto namin malaman, yung kabuan." tugon ni Mae.


"Sige." tugon ni Lance at nagsimulang magkwento.


(Lance's POV) - Flashback


"Seryoso ka ba dad?" tanong ko.


"Oo nga. I got the promotion!" sigaw ni dad sabay hiyaw at talon nila ni nanay.


"Well- um- that's good. But- where will you work?" tanong ko.


"Back home." sagot niya sa akin.


"B... back home?" tanong ko.


Para bang nagdilim ang aking paningin, ang utak ko naging blanko, walang lumalabas kundi ang nakasaad at nilalaman ng aking kinabukasan.


"Don't worry, son. We have more months before we go back to South Korea." bigkas ni dad.


"No but-... my friends...?" tanong ko.


Bumuntong-hininga si dad at sinabi, "I know it'll be heard to leave your childhood friends... pero- it's for the best. It's for you, makakapag-aral ka na sa bansa natin ulit!" bigkas ni dad.


Nagpatuloy ang yuko ko't ako'y kanyang hinawakan sa balikat, "Son-" pero pinutol ko ang kanyang pangungusap, "-No." sabay galaw ng aking ulo.


"Ayokong iwan ang lahat ng ito. Ang lahat ng meron ako sa Pilipinas. I'd rather live alone than to be back." protesta ko.


"Alam kong mahirap, anak... pero isipin mo, kapag nasa South Korea ka, you'll be able to meet people like you-" paliwanagni dad pero muli kong tinigil ang kanyang pangungusap, "I said no-"


"Sinabi ko na... gusto ko dito ako sa Pinas... alam ko na kung ano itsura ng South Korea kahit hindi ako dun pinanganak. Alam ko ang hirap na pinagdaanan ninyo. And I know that you're doing your best to keep me alive with what you provide." paliwanag ko.


"... But... that doesn't mean I don't get to make any decisions for myself." dagdag ko.


Bumuntong-hininga si nanay at sinabi, "... Anak- all you have to do is say goodb-" tinigil ko ang pangungusap ni nanay, "No ma. It's not that easy. Hindi madaling magpaalam sa mga taong minahal mo ng lubusan bilang kaibigan... yung mga kalaro mo habang busy yung mga magulang mo..." bigkas ko ng unti unting bumubuhos ang aking mga luha.


Ilang saglit ang aming katahimikan at patuloy na bumuhos ang aking mga luha, "... Okay, ganito." bigkas ni dad.


"I'll give you the chance to stay here." bigkas niya't nanlaki ang mga mata ko.


"But you can't stay in this house..." dagdag niya.


"B.. bakit?" tanong ko.


"Walang mag-aalaga sa'yo. I'll contact your aunt and uncle, tatanungin ko kung pwede dun ka tumira at dun ka mag-aral sa kanila." paliwanag niya.


"H-huh...?" lito kong tanong.


"That's the only open offer I can give you. Either you come with us and never see your friends... but go away from here, but you'll still be able to see them- hindi nga lang araw-araw." bigkas ni dad.


"... P-pero, saan naman ako mag-aaral?" tanong ko.


"That's your decision. I'll give you three weeks. Kasi we'll be needing the papers pa at mag-e-entrance exam ka pa. Not to mention baka may interviews ka pa. Ang results ng bawat test ay sa March na lalabas." paliwanag ni dad.


Carl to Calvin [COMPLETE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα