Chapter 39 - Ensayo

1K 36 0
                                    

Sa bawat Sabado ay iplinano namin ni Ali na mag-ensayo kasama si kuya Gab sa likod ng aming bahay ukol sa mga pagdedepensa at mga galaw-espiya.


"Sure ka ba, Ali?" tanong ni kuya Gab.


"Sinubukan ko na kuya Gab, wala talaga tayong magagawa..." paliwanag ko naman habang kaming tatlo ay nasa backyard ng aming bahay.


Nakita ko ang pagmamasdan ni kuya Gab kay Ali, "Well at least determinado ka. Sige, tuturuan kita." pagtatapos niya't nakita ko naman ang ngiti ni Ali mula sa kanyang mukha ng marinig niya ang sagot ni kuya Gab.


"Sige, magsisimula na kaagad tayo." panimula ni kuya Gab.


"Magsisimula tayo sa pinaka-una. Since nakapag-stretch na kayo, ang una niyong gagawin ay ang tamang paghawak ng armas, o patalim. Wag niyong mamaliitin ang paggamit ng patalim, kahit may armas na baril man ang kalaban ninyo, kayang-kaya niyo siyang pabagsakin.


Binigyan niya kami ng tig-isang kutsilyo na gawa sa rubber, laruan lamang ito.


"Kapag nag-swing ang inyong kalaban gamit ang patalim, dapat alam niyo muna kung aling kamay ang gamit. Kapag kaliwa, gamitin mo ang kanan mo, kapag kanan, kaliwa ang gagamitin mo." paliwanag ni kuya Gab at nagpatuloy ang aming pag-e-ensayo.


Dumating ang oras ng lunch at biglang sabi ni Ali, "Ah, wait lang- may kukunin lang ako mula sa bahay!" bigkas niya't lumabas na siya ng aming tahanan


Ilang segundo lamang ay nakarinig kami ng pagtawag mula sa harapan ng bahay, mukhang agad na nagbalik si Ali, ang bilis pala.


Pero pagtungo ko rito ay nakita ko si Darius. "Hi." bungad niya.


"Ano ginagawa mo rito?" tanong ko.


"Nakatanggap ako ng text mula kay Rafael kaninang umaga, nag-e-ensayo raw kayo ni Ali?" tanong niya.


"O-oo... pakaba kong sagot dahil lahat naman ng ensayong ito ay para sa ikalawang bahagi ng rebelde.


Sunod kong pinapasok si Darius sa bahay at binati naman siya ni kuya Gab na nagtitimpla ng maiinom.


"Wag ka mag-alala. Alam ko naman kung bakit kayo nag-e-ensayo. Matapos na nalaman ko na tiga-bundok Ganahao rin pala si Ali, alam ko namang hindi ko na dapat ito sabihin pa kay tatay. Pero, hindi iksabihin na makikisiksik ako sa ganito kaya... ito oh. Ginawan ko kayo ng makakain, tanghalian." paliwanag niya sabay kuha ng isang bag na kanyang dala.


Nanlaki naman ang mga mata ko't sinabi, "Wow. Uy salamat ah." pasasalamat ko naman.


Ilang segundo ang lumipas at agad na pumasok na si Ali sa aming bahay, "Calvin, pasensya na nakalimutan ko. Ito oh! Ginawan kita ng tanghali---an..." napababa ang pagbigkas niya ng makita niya si Darius na hawak-hawak din ang pagkaing inihanda para sa amin.


"Hm? Darius? Ano ginagawa mo rito?" tanong ni Ali.


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now