Chapter 31 - Piling

1.1K 50 1
                                    

Nakatanggap ako ng text mula kay kuya Gab na nag-aayang kumain ng hapunan sa labas. Tumungo ako sa tapsilogan kung saan kami unang kumain noong mga taon na ang nakalilipas.


Ang bilis ng panahon, parang kailan lamang nung ako'y nawalan ng mga magulang.


Nakarating na ako sa silogan at nakita si kuya Gab, kaya agad naman akong umupo sa kung saan ang table namin.


"Buti nakarating ka. Akala ko pa naman i-t-take out ko pa yung o-ordirin ko." komento niyang bungad.


"Para saan 'to?" tanong ko.


"Ala lang, gusto lang kita kausapin." tugon niya.


"Tungkol saan?" tanong ko naman.


"Tungkol kay Endino." tugon niya muli pabalik.


Nanlaki ng saglit ang aking mga mata't napa-isip, lumabas sa aking utak si Darius at ang kanyang mga sugat. Ayoko pa namang isipin kung papaano siya pinarusahan ng sarili niyang tatay.


"May gusto rin akong sabihin." dagdag ko.


"Ah, ganun? Sige, ikaw muna." tugon niya.


"Sa dalawang taon na lumipas, may inutos siya kay Darius, yun ay ang siraan ako, at kung baka nga sakali patayin pa ako. Pero hindi ko naman akalain na lalabag si Darius sa utos ng sarili niyang ama." kwento ko, "Kaya sa huli, pinarusahan siya. Yung mga sugat niya..." dagdag ko't napayuko; iniisip ang imahe ng sugatang katawan ni Darius.


Ramdam ko ang gulat at nakita kong nanlaki ang mga mata ni kuya Gab, "Lumayo ka na kay Darius mula ngayon." agad niyang bigkas.


"Ha? Bakit naman?" tanong ko.


"Delikado na siya. Sabi na nga ba dapat hindi mo na siya kinaibigan dati pa eh. Makaka-abala lang 'yan sa kinakailangan mong misyon." paliwanag niya.


"Hindi abala si Darius, malaking tulong siya." pag-de-depensa ko.


"Para saan? Para makakuha ng impormasyon tungkol kay Endino? Eh tingnan mo nga ngayon isang utos na nakataya ang buhay ng kanyang kaibigan ay ayaw niyang gawin, ang pagtanggap pa kaya ng parusa?" tanong niya.


"Hindi ganun si Darius." muli kong pagtatanggol.


Nakita ko ang seryosong tingin ni kuya Gab sa akin, "Para sa ikabubuti mo 'to, Calvin. Simula ngayon, ipinagbabawal na kitang-" ipinutol ko ang kanyang pangungusap.


"Ayoko!" sabay tayo't hampas sa lamesa na nakakuha ng ilang atensyon sa amin sa paligid.


"Kaibigan ko si Darius. At hinding-hindi ko siya pababayaang magdusa sa kamay ng taong katuald niya." deklara ko.


Carl to Calvin [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang