Chapter 15 - Tinig

1.9K 77 0
                                    

Pagbalik ko sa classroom ay agad kong binigay kay Ali ang kanyang Grape Juice. "Oh." sabay abot sa kanya.


"Napatagal ka ata? Dami bang tao?" tanong niya.


"Ah- hindi. Nakasalubong ko lang si Darius." sabi ko naman, "At... sinabi niya sa akin yung totoo kay Lance." sabi ko naman.


"Ahh... so, totoo nga na sa lilipat na siya ng school?" tanong ko.


"Hindi ako sure dun. 'Di niya nabanggit yung school sabi ni Darius pero sure raw na aalis na siya ngayong April." sabi ko naman.


"Ahh... ganun ba? Edi... sure na wala na tayong magagawa no?" tanong ni Hans.


"Diba sinabi ko na?" tanong ko sabay bukas ng inumin at ininom ng bahagi, "Hindi iksabihin na hindi na natin siya makikita." dagdag ko.


"Sa bagay... pero kahit na..." tugon ni Ali.


Bumuntong-hininga ako't ipinagpatuloy ang pag-inom at umupo na sa aking upuan.


"Wag na muna natin pag-usapan 'yan, hayaan na natin si Lance na siya magsabi sa atin." sabi ko.


"Sa bagay..." pagsang-ayon ni Hans, "At tsaka si Rafael muna intindihin natin. May audition siya mamaya." sabi ko.


"Sige." pagsang-ayon ni Hans.


Dumating ang pagtatapos ng araw...


Nagpaalam na muna ako kay kuya Gab na nagsasabing medyo late ako makakauwi dahil manonood kami ng audition ni Rafael.


Nagtungo na kami sa Auditorium sa dulo ng 4th floor at maraming tao ang aming nakita, siguro yung ibang mag-a-audition at mga kaklase nila ay kasama rito.


"Good Day everyone." bigkas ng isang babae, siguro siya ang head ng club, "My name is Ms. Ivara." pagpapakilala niya.


"Today, we'll be determining the one who has the potential, and one who has the qualities of being the president of the El Voz Club." bigkas ng babae.


"The rules are simple, show me the qualities of being a voice deserved to be recognized." bigkas ng babae, "I don't want to see something theatrical or symphony. I want your own voice. Your own style." dagdag niya.


"Sorry, nakalimutan ko re-auditions nga pala 'to para sa posisyon ng president." paliwanag ni Ali.


"Okay lang yun, at least auditions pa rin. Iba nga lang." sabi ni Hans.


"Edi bale lahat ng kakanta ay tiga-choir na?" tanong ni Mae.


"Oo." sagot ko naman.


"Guys dito may sakto oh." sabi ni Darius sa amin sabay turo sa mga upuan.


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now