Chapter 16 - Bundok Ganahao

1.8K 69 0
                                    

Dumating ang mahamog na umagang Sabado.


"Tayong dalawa lamang ang lalakbay ah." bigkas ni kuya Gab at tumango ako.


"Oh." bigkas niya sabay bigay ng isang pocket knife.


"Marunong ka kamo maging espiya diba? Edi... marunong ka gumamit ng ganyan?" tanong niya.


"Opo." tugon ko sabay tanggap ng pocket knife at itinago na ito sa aking bulsa ng aking pantalon.


"Medyo malayo ang bundok, pero wala pang isang oras nandun na tayo." sabi niya nang kami'y pasakay na sa kanyang kotse.


Habang kami'y nasa biyahe, "So ano ba ang gusto mo hanapin dun?" tanong niya.


"Kahit anong ebidensya, at tsaka meron akong gustong makita." tugon ko.


"Ahh, ganun ba? Sige, tulog ka muna, medyo mahaba pa biyahe. At tsaka manananghalian na rin naman na tayo sa labas." paalala niya't sumang-ayon ako kaya ipinikit ko na ang aking mga mata para magpahinga.


...


"Tulong! Carl!"


"Carl, takbo!"


"Anak... mag-iingat ka..."


"... Mahal... na mahal... kita..."


Naririnig ko ang mga boses ng aking mga kaibigan, sina Alver at Mia; at ang aking mga magulang. Walang mga letrato o kahit na anong eksena ang nagaganap kundi puti lamang na paligid ang aking nakikita. Sa unang tingin pa lamang, alam ko na ito ay isang munting panaginip lamang.


"Hello?" tanong ko ng nakikita ko ang sarili kong mga kamay at ako'y nakakalakad sa puting paligid.


Habang ako'y naglalakad, isang kisapmata lamang ay nakita ko ang isang umaapoy na paligid. May mga tao sa kaliwa at meron din sa kanan. Hindi ko mamukha-an kung sino ang mga ito. Ngunit kutob ko ay kilala ko sila.


"... Da... ay... ka.... tayin... ki...."


"Wa... pa... lam... ay... aw.... gil... na!"


"... kwe... nak!"


*bang*


Nakarinig ako ng putok ng isang baril. Ang dapat na papatayin ng may hawak ng baril ay prinotektahan ng isang tao mula sa likod niya. Gusto kong malaman kung ano ang iksabihin ng mga ito, kung nangyari ba ito nung tumatakas kami ng aking mga magulang? O nung gabi na nagsimula ng lahat?


Ang taong prumotekta sa lalake ay natumba, yakap-yakap ang taong prinotektahan.

Carl to Calvin [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن