Chapter 38 - Sino?

994 45 0
                                    

Matapos ang eskuwelahan sa araw ng 15 ay nakipagkita ako kay Ali para magkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa Bundok Ganahao.


Dumalo kami sa isang liwasan at umupo sa swing at tsaka nakipag-usap.


"Paano ka nga pala itinakas ng mga magulang mo?" tanong ko.


"Ang nanay ko ay isa sa mga nagtatrabaho sa labas ng bundok, pero lagi siyang umuuwi ng gabi dahil kinakailangan niya ng pera, si tatay ko naman isa sa mga alagad ni tito Gregorio, kasama mo siya nag-e-ensayo." panimula niya.


"Nagtalo ang mga magulang ko tungkol sa pag-re-rebelde. Ang plano dapat ni nanay eh magsumbong sa mga pulis sa labas kaso... sigurado naman na kung ano mangyayari kapag nangyari yun. Sa kapangyarihan ng  tatay ni Darius, sigurado wala tayo rito ngayon na nag-u-usap at halata lamang na madali siyang makakawala sa mga gawain niya." dagdag niya.


"Tapos... nung madaling araw, tsaka ako itinakas ng nanay ko ng walang paalam kay tatay. Nakatakas kami at nagtungo sa pinagtatrabahuhan niya, dun niya nakilala si tatay ko ngayon. Ano kasi siya... isang associate sa mga nag-t-trabaho sa ibang bansa o kaya OFWs. Kaya nagdesisyon si nanay na umalis para bigyan ako ng bagong buhay matapos kaming alagaan ng bago kong ama. Nagpakasal sila. At uuwi na rito si nanay sa April." pagtatapos niya.


"Nung... araw ng rebelde, pwede mo bang ikwento sa akin ang nangyari?" tanong niya.


"Para namang wala akong magagawa... nakakatakot--- kaso para bang nawawalan ako ng nararamdaman sa bawat pagkakataong nakakakita ako ng bangkay sa lupa. Unti-unti kami nawawalan ng pag-asa. At tsaka itinakas ako ng mga magulang ko gamit ang sasakyan na ginawa ng bayan." paliwanag ko.


- FLASHBACK -


"Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na masama ang magdala ng mga patalim bata?" tuksong tanong ng isang tauhan na may baril.


Ngunit bago pa siya makapagbigkas pa ng isa pang pangungusap ay nakatanggap na siya ng isang patalim sa kanyang ulo at tsaka bumagsak sa lupa matapos ko itong batuhin ng mabilis.


"Ang itinuro sa akin ay ang parusahan ang mga taong katulad niyo." tugon ko at tinanggal ang patalim mula sa kanyang noo.


Sa paligid ay ang mga nasusunog na mga puno at ang nagtitirik na atmospera, sa bawat bala na nakatutok at papunta sa akin, lahat ay aking iniwasan o kaya naman dinepensahan ang aking sarili gamit ang patalim.


Nakapaligid sa akin ang mga bangkay ng aking mga napatay, lagpas isang dosenang mga tao ang aking nabilang na nakapatay sa patalim na aking hawak sa kanan, at ang baril sa aking kaliwa.


"Anak!" sigaw ng nanay ko ng magtagpo ang aming mga mata.


"Dali, sumama ka na. Tatakas na tayo." utos niya sabay kuha ng aking braso't nabitawan ang patalim na aking hawak.


Nakarating kami sa taguan ng sasakyan at sinakay na ako ni tatay sa loob at tsaka umandar ang sasakyan.


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now