Chapter 34 - Kahihiyan

1.2K 44 1
                                    

Nakarating na kami sa auditorium kung saan ilalahad ang Valentine Sweetheart Pageant.


"Mukhang masyadong malamig ang aircon ngayong hapon." komento ko't nagsuot na ako kaagad ng jacket.


"Tara bisitahin natin yung dalawa sa backstage." pag-a-aya ni Hans at nagtungo naman kami sa likod ng stage mula sa auditorium.


Nakita namin ang mga mine-make-up-an na mga babae at yung iba ay nagdadamit na rin.


"Guys!" bungad sa amin ni Ali na naka-puting damit.


"Yes naman, ganda." puri ni Hans.


"Naku, hiram lang 'to sa amin. Pero yung dress para sa Q & A sa amin na galing yun, dapat daw kasi sa intro pare-parehas ng damit. At eh yung sa talent portion, syempre sarili na rin." paliwanag niya.


"Uy, buti nakarating na kayo." bungad sa amin ni Mae na may kasamang matangkad na lalake.


"Si Andron, sure naman ako na napakilala ko na siya sa inyo diba?" tanong niya't tumango kami sabay kaway bilang bungad sa kanya.


"Uy abangan niyo yung talent portion. Kung akala niyo si Rafael at Lance lang ang magaling kumanta, hm, ako rin kaya." pagmamalaki niya.


"Aabangan namin talaga." komento ni Lance.


"10 minutes before the pageant starts." bigkas ng isang emcee mula sa backstage.


"Ilan ba ang kasali?" tanong ko.


"Marami-rami, siguro 15, tapos top 10 tapos talent portion for the top 5 and final 3 para sa question and answer." paliwanag na tugon ni Mae.


"Oh sige, paano? Punta na kami sa audience at baka mawalan pa kami ng ma-u-upuan." paalam ni Darius at nagtungo na kami sa mga upuan.


Ilang mga minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang pageant, "Good Afternoon to everyone! We are now on Youtube! Just go to EIJ ofc and subscribe! Today, we will be witnessing the E.I.J Valentine Sweetheart Pageant. Last year, our 3rd year's Trisha Malupe has won the crown, but to whom will she pass this crown to? We'll soon find out! Without further ado, let's get started!" panimula ng host.


Nagsimula ang pageant at puro sigaw, hiyaw, at palakpak ang bumungad sa buong paligid, may mga nakatayo rin halos kapag kakilala nila ang tumatayo.


"Parang may prelims ata yan dapat diba?" tanong ni Lance.


"Oo raw. Unang labing-lima na babae ang makakapag-apply pero 15 lang ang makakapasok sa mismong pageant." paliwanag na tugon ni Hans.


Napunta sa pagpapakilala si Mae, "Ang sabi nila, ang lapis nabubura gamit ang pabura, pero bakit ganun? Yung pagmamahal ko sa'yo, nananatiling umaasa? Magandang hapon sa inyong lahat! My name is Erika Yvanes, but you may call me Mae!" bigkas niya't sumunod na ang contestant sa na rarampa kasama ng palakpak.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now