Chapter 14 - Dalawang Taon

2.1K 79 2
                                    

Dalawang taon na ang nakalilipas, siguro ito na ang tamang oras para ako'y magbalik-tanaw sa aking nakaraan, oras na para bisitahin ang bundok Ganahao.


"Kuya Gab." bigkas ko sakto pag-uwi ko mula eskuwelahan.


"Hm? Ano yun?" tanong niya habang naglalaba.


"... Balak kong pumunta sa bundok." sagot ko naman.


Napatigil siya sa kanyang ginagawa't sinabi, "Diba pinag-usapan na natin 'to? Delikado nga, Calvin. Ang bata mo pa. 13 ka pa lang." reklamo niya sabay tingin sa akin.


"Pero gusto ko na po magsimulang maghanap ng mga ebidensiya." pagrarason ko.


"Calvin, nalinis na ang bundok, ang tagal na. Hanggang ngayon sa tingin mo ba meron ka pang mahahanap na makakatulong sa'yo pabagsakin ang tatay ni Darius?" tanong niya.


Napatigil ako ng ilang saglit at napa-kamao ang aking mga kamay sa galit, "Oo. Dahil merong isang lugar sa bundok na kami lang ang naka-aalam." tugon ko naman.


Bumuntong-hininga si kuya Gab at sinabi, "Sige. Kaso sasama ako." bigkas niya.


"... M-masusunod." tugon ko naman. Parang hindi ko naman talaga siya mapipigilan since kailangan ko rin ng makakasama para mas mabilis ang paghahanap.


Nagpatuloy sa paglalaba si kuya Gab ng sinabi niya, "Sige. Kain ka na sa loob. Ngayong Sabado tayo pupunta." banggit niya, "Pero sa ngayon, mag-re-request ako ng scouting para malaman kung merong nagbabantay o wala." paalala niya.


"... Sige, salamat kuya." pasasalamat ko.


Habang ako'y kumakain nakatanggap ako ng text mula kay Hans na nagsasabing, "Cal, paheram ako notes bukas ah. Nakalimutan ko kasi kopyahin yung examples." at sumagot naman ako ng madaling, "Sige." at nireplayan na siya.


Sumunod na araw...


Ako ngayon ay nasa high school na, 1st year o kaya sa curriculum ngayon ay grade 7 sa aking bagong eskuwelahan kasama ang mga kaibigan ko, halos connected pa rin ito sa school namin nung elementary. Nasa all-boys ako, ang all-girls halos tatlong kanto lang ang pagitan nito mula sa amin.


"El Ilustrado Juventud." ang pangalan ng aming eskuwelahan, o kaya naman E.I.J (Eij = Age pronunciation)


Nang makapasok ako sa aking classroom ay agad ko namang pinuntahan si Hans at binigay ang aking notebook, "Oh." sabay bigay sa kanya.


"Uy, salamat. Sina Mae?" tanong niya.


"Hm? Ah, nasa building na nila, hinatid ko lang. Si Ali dapat papunta na-" naputol ang aking pangungusap ng agad na tinawag kami ni Ali, "Calvin! Hans!" at napalingon kami sa kanya.


"A-ali!?" gulat na tanong ni Hans.


Carl to Calvin [COMPLETE]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz