Chapter 4 - Bigkas

4K 157 2
                                    

(Gab's POV)


"I see.  You are 24. 15 years, 1 year ang kulang mo para ampunin siya." tugon ni tito.


"It has been a year since Erilia passed away..." pagpapa-alala ni tito.


Ilang segundong tahimik ang bumungad sa amin pero ang buntong-hininga ni tito ang nagpigil nito, "Fine. I'll adopt him. But I will leave him in your care. Patunayan mo sa akin na kaya mo maging isang tatay na gumagabay, kahit- sabihin na nating magiging pinsan mo siya." pagpapaliwanag ni tito.


Nanlaki ang mga mata ko't napatingin sa kanya ng may ngiti, "O-opo!" sigaw kong pagsang-ayon.


"If that is all, then I will borrow Carl magkakaroon kami ng catching up at syempre ako magiging bagong tatay niya. At least... let me have some time to hangout with my to-be son." sabi niya.


"Opo! Syempre naman. Maghahanda na po ako para sa trabaho ngayon." sabi ko naman at tumango na si tito ng may ngiti.


"Carl. Come, ibibili kita ng napakaraming damit at laruan." sabi ni tito't tumayo siya bago ialay ang kanyang kamay kay Carl.


(Carl's POV)


Nakikita ko ang mukha ni tatay sa kanya... siguro kahit ngayon lang kahit hindi siya totoo, alam kong mararanasan kong maging isang anak kahit sa huling beses man lang muli.


Umalis kami ng lalake at tinungo niya ako sa isang kotse't pumasok na ako't umupo. Nang siya'y sumakay naman ay ipinalibot niya ako ng isang belt mula sa kotse.


"Ayan, dapat safety first." bigkas niya.


Nang umandar ang kotse, agad na nanlaki ang mga mata ko sa dulot ng pagbabalik-alaala sa mga pangyayari.


Ang mga sugat, ang mga dugo, at ang mga pumanaw na buhay...


Dalawang buwan na ang nakalilipas, pero parang nakaraang mga araw lamang ang lumipas...


Ngunit sa kabila ng mga ito, pinilit kong hindi ito intindihin at tiisin ang sakit habang umaandar ang sasakyan, hindi ko 'to nais ipahalata sa kanya.


Nagpunta kami sa isang malaking gusali kung saan mayroon ding mga kotse na nakaparada sa gilid nito at nang kami'y nakapasok sa loob matapos i-parke ang kanynag kotse ay, "Tara, bibili tayo ng mga bagong damit mo." bigkas niya.


"... Magastos..." tugon kong bulong.


"Wag ka mag-alala, magugulat ka nalang kung gaano karaming damit ibibili ko para sa'yo. Kung totoo nga ang sinasabi ni Gab edi susuportahan kita bilang bagong ama mo." bigkas niya sa akin.


"Salamat." bulong ko.


"At tsaka, kahit tatay Kalvi nalang." bigkas niya't tumango ako't hinawakan niya ang aking kamay.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now