Chapter 54 - Oras

1.5K 49 1
                                    

Tatlong araw bago ako ilabas ng ospital...


"Napagdesisyon mo na ba?" tanong sa akin ni Reyes.


"... Oo. Tinatanggap ko." tugon ko.


"Sa ganyang edad, meron ka talagang pang-intindi sa tingin at talino." komento niya.


"Ano kailangan kong gawin?" tanong ko naman.


"Limang araw matapos ang iyong leave sa ospital, ihahatid ka namin sa likod ng inyong eskuwelahan. Isang itim na kotse, ang magmamaneho ay ang boss ko at tayo ang sasakay, malamang." panimula niya.


"Boss mo?" tanong ko.


"Oo. Ang boss ng Zidelest, Eric Chase. Pseudonym lamang, walang naka-aalam ng kanyang totoong pangalan." dagdag niya bilang tugon.


"Sa limang araw matapos kang mag-leave, magbigay ka na ng munting oras para sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo. Dahil ito ang huling beses na makikita mo sila." huling paalala ni Reyes bago umalis.


Tatlong araw ang lumipas...


Isang pagdiriwang ang inihanda para sa akin sa isang resort na pinahanda ni tatay Kalvi dahil sa aking paglabas mula sa ospital, lahat ng kanilang kakilala't mga kabarangay ay naririto.


Ngunit dalawang araw na lamang ang meron ako...


Nagsimula ang katuwaan at saya, habang ako naman ang nagrereklamo dahil sa board shorts. Nagpatuyo muna ako mula sa paglalangoy at naglibot-libot. Nakita kong naka-upo mag-isa si Mae sa isang bench.


Umupo ako sa kanyang tabi matapos na magtagpo ang aming mga tingin sa isa't isa kasama ang ngiti.


"Ang bilis..." panimula niya.


"Sa lahat ng nangyari ng nakaraang buwan. Parang wala lang, pero sadyang malaki talaga ang napagdaanan..." komento niya.


"Pero alam mo, natutuwa ako. Kahit may pagdududa, natuto ako." muli niyang dagdag.


"Alam kong napagdudahan ka rin naman namin kaso... hindi namin nasabi sa harapan mo't nanahimik lamang... alam mo namang ayaw namin ikaw saktan." bigkas ko.


"Ano ka ba, kahit ano sabihin niyo, syempre may epekto yun sa akin, bahala na kung masama o mabuti ang dulot, basta ang mahalaga eh maipakita niyo." bigkas niya.


"... Sige, mukhang may balak ka pang kausapin yung iba, una ka na. Wala na rin naman tayong kailangang pag-usapan. Saya lang dapat ngayon." bigkas niya't sumunod na lamang ako sa kanyang mga salita.


Sunod kong nakita si Lance na kumakain mag-isa sa table, "Gutom tayo ah?" tanong ko.


"Aba'y syempre naman. Sarap kaya ng pizza oh." bigkas niya't nag-alay ng isa, "Hindi na- busog ako." tugon ko.


"So... ilang buwan nalang ano?" tanong ko.


"Oo nga eh. Alis na ako pagkatapos, pero... hindi naman iksabihin na hindi na ako bibisita rito. Syempre pag may time gala ulit tayo." paalala niya.


"Basta ang mahalaga, kung magkahiwa-hiwalay man tayong lahat. Ang mahalaga eh buhay tayo, hindi ba? At tsaka tuloy lang ang tinig ngayong araw at sa kinabukasan." bigkas niya.


Napatingin kami sa isa't isa hanggang sa ibinaba niya ang kanynag kinakain at sinabi, "... Mahirap sa buhay ang mawalan, at syempre naman... sa mga naranasan mo." banggit niya sabay tingin sa aking kanang bahagi ng mukha.


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now