Chapter 91

9K 173 4
                                    




Isabelle's POV




Nandito kami ngayon sa sala ng bagong bahay namin ni Brayden. Well, nag-decide na kasi kami na dito na tumira sa pinag-ipunan na bahay ni Brayden. Habang naka-comatose kasi ako noon ay siya namang pagpupursige ni Brayden para maka-ipon ng pera at makabili ng sarili naming bahay. Hindi na kami bumalik pa doon sa bahay na iniregalo sa amin noon ni Mommy Hailey dahil puro lang naman masasakit na alalaala ang mayroon kami doon. And kahit na hindi na kami doon tumira ay kinuha pa din namin bilang yaya si manang Fely at Ate Xena.




Ilang buwan na din ang nakakalipas simula ng ma-comatose ako at maka-labas ng hospital. So far, so good naman ang takbo ng buhay ko. Hirap nga lang dahil sabay ang pag-aaral ko at pag-aalaga sa kambal namin ni Brayden pero kahit na ganun ay masaya pa din ako sa papaging isang estudyanteng ina. Buti nga at hinayaan pa din ako ng president ng school namin na makapag-enrol kahit na ang late ko na. Sa umpisa nga ay sobrang hirap dahil kailangan ko'ng pag-aralan yung mga lectures namin ng ilang linggo para makaabot ako sa mga major exams. Pero dahil nandiyan ang mga kaibigan ko at si Brayden, sila yung tumulong sa akin at mga naging teacher ko.




"Brayden, naaamoy mo ba 'yon?" Suminghot-singot ako dahil sa mabahong naaamoy ko. Hindi ko mapaliwanag kung ano 'yung amoy. Basta parang mga sirang pagkain na pinaghalo-halo.



"Ang baho. Umutot ka no?" Sambit niya sabay takip sa ilong niya.



"Hoy, hindi no. Baka ikaw. Tsk... Ihh ang baho talaga eh." Patuloy pa din ako sa paghahanap sa pinanggagalingan ng mabahong amoy, hanggang sa mahanap ko ito at natawa nalang dahil galing ang amoy kay Letitia at Laris.




"Kaya naman pala eh, sabay pa silang nag poops. Oh ikaw kay Laris ako kay Letitia."




"Ay nako! Nagtext si Caleb. Nasa hospital raw siya ngayon. Mahal ko, kailangan ko siyang puntahan." Biglang tumayo si Brayden at aalis na sana pero pinigilan ko lang.




"Nasa hospital? Wow kailan pa naging hospital ang starbucks?"




Takang napatingin lang sa akin si Brayden.




"Heto nga oh, kakapost lang." Ipinakita ko sa kanya yung post ni Caleb ngayon-ngayon lang.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon