Chapter 56

15.1K 428 25
                                    



Isabelle's POV



Nandito pa din ako hanggang ngayon sa room. Half day lang kami pero ayaw ko pang umuwi. Hindi ko pa kasi nakikita si Brayden ngayong araw dahil hindi siya pumasok. Walanghiya 'yon hindi man lang sinagot ang tawag ko kahapon. Napano na kaya 'yon.



"Bes, 'di ka pa uuwi?"



Nagdukdok lang ako sa arm chair ko "Besss. Paano kung nalaman niya na pala? Paano kung pinaniwalaan niya yung mga litrato? Ihhhh. Ano 'yon mag-aaway na naman kami? Puro nalang ba kami away? Hindi na ba talaga kami magkakaroon ng happy ending?" Bakit ba halos sa napapanood at nababasa ko may happy ending naman? Kunsabagay nasa realidad ako kaya malamang malaki ang kaibahan ng sa tv at libro sa buhay ko.



"Siguro kaya hindi niya sinasagot yung tawag ko kasi nalaman niya na talaga."



"Baka busy lang." Ang nice naman sumagot nito.



"Hindi siguro. Magtetext naman 'yon kung busy siya." Alam niya kasing magagalit ako pag hindi niya ipinaalam sa akin kung magiging busy ba siya o hindi.



"Oh ayon pala yung mga kaibigan niya eh." Agad ko'ng iniangat yung ulo ko tapos nilapitan ko yung dalawa.



"Nasaan si Brayden?" Nagtinginan si Caleb at Matthew tapos nagkibit balikat sila.



"Huwag niyo ako'ng lokohin. Umayos kayo ha."



"Hindi nga namin alam. Hanapan ba kami ng nawawalang manliligaw?" Tinignan ko ng sobrang sama si Matthew. As in sobrang sama talaga yung tipong papatayin ko na siya.



"Nandoon siya sa bahay niya. Sa bago niyang bahay. May sakit. Galit sayo." Sabi ko na nga ba at tama ang hinala ko na nakita na nga ni Brayden.



Siniko naman siya bigla ni Caleb "Bakit mo sinabi?"



"Eh nakakatakot si Isabelle. Ayoko pa mamatay no. Sige kung gusto mo mamatay. Mauna ka na." Nagbubulungan lang sila pero rinig na rinig ko naman.



Bwisit naman kasi ang Brayden na 'yon eh. Hindi man lang tinanong sa akin kung totoo ba yung mga nasa litrato. Agad-agad na ngang mag-aassume na ako 'yon. 



Nilapitan ko si Caleb at Matthew na nagtatalo "Sabihin niyo sa akin kung saan siya nakatira. Tandaan niyo 'to pag hindi niyo sinabi ang totoo sa akin. Sisiguraduhin kong hindi na kayo aabutin ng paglubog ng araw ngayon."

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now