Chapter 30

21.4K 523 9
                                    



Isabelle's POV


Dumating na naman ang araw na kinaaayawan ng lahat. Pero ako natatakot ako ngayon. Ang dami-daming tanong sa utak ko.


Galit pa kaya si Amber sa akin? Okay na kaya si Kyro? Ligtas na ba siya? Magagawa pa ba ako'ng patawarin ni Amber?


Hayy. Sana naman bumalik na ang lahat sa dati. Dahil ayoko na ng ganito, nahihirapan na ako.


*Tok tok tok*


"Pasok po." 


Bumukas ang pinto ang iniluwa nito si Mommy Hailey "Anak, nandiyan na si Flare." 


"Sige po. Bababa na din po ako." Sabi ko at inilagay na ang mga notebooks ko sa bag.


"Sigurado ka ba'ng gusto mo ng pumasok? Pwede naman na i-excuse nalang kita." Tinigil ko ang aking ginagawa at hinarap siya.


Tumango ako "Okay lang po ako. Wag po kayong mag-alala sa akin."


Mommy hailey sighed heavily "Basta tawagan mo ako agad pag nagka-problema ha?" Bakas ko ang pag-aalala sa tono ng kanyang pananalita. 


"Opo." Sabi ko. Nahihiya na ako lalo 'kay Mommy Hailey dahil pinag-aalala ko na naman siya. Pero thankful din naman ako at nandiyan si Mommy Hailey para sa akin. Isa din siya sa mga taong nag-bibigay ng lakas ng loob sa akin na kayanin ko lahat ng problema ko at wag ako basta-basta bibigay. Siguro kung hindi dahil sa kanya/kanila ay matagal ko ng tinapos ang buhay ko.


Akala ko ay lumabas na ng kwarto ko si Mommy Hailey 'yon pala ay hindi pa. Nag-lakad siya pabalik sa akin at hindi malaman kung ano ang sasabihin.


"May problema po ba?"


"Wala naman...Well it's about Brayden." Parang nahihiya niyang sabi. Napa buntong hininga nalang ako.


"Wag na po natin siya pag-usapan...please. Masaya na din po ako kahit na hindi ko siya kasama." Totoo nga ba? Masaya nga ba ako? Well the answer is I don't know. Sobrang naguguluhan pa din ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.


"Tsaka po pala. Kung pwede po sana wag niyo ng banggitin 'kay Brayden ang nangyari sa akin at kung saan po ako nakatira." Nakatingin lang si Mommy Hailey sa akin at parang hindi sang-ayon sa desisyon ko. 


"*sigh* Okay." Niyakap ko siya at niyakap niya din ako pabalik. Lumabas na ng kwarto ko si Mommy Hailey at ako naman ay pinagpatuloy na ang pag-aayos ng gamit ko. 

  

Tapos ko ng ayusin ang mga gamit ko kaya bumaba na ako. Pagkababa ko ay naabutan ko si Flare at Mommy Hailey na nag-uusap. Nilapitan ako ni Flare ng makita niya ako.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now