Chapter 3

34.6K 924 15
                                    


Isabelle's POV


Pag-katapos ng klase ay agad na ako'ng umuwi. Malapit na kasi ang midterm kaya kailangan ko ng mag-review. I'm running for summa cum laude at hindi ako pwedeng bumagsak.


Nakakahiya naman 'kay Mommy Hailey, kung pinag-aaral niya ako tapos hindi ko pa aayusin.


Dumaretso muna ako ng kusina. Nakakagutom kasi, eh.


Muntikan na ako'ng atakihin sa puso ng biglang lumabas ng kusina si Brayden. Mukhang kadarating lang din niya, dahil hindi pa ito nag-papalit ng damit.


Papasok na sana ako ng kusina ng hawakan nito ang braso ko.


"Akala mo ba, hindi ko malalaman na ikaw ang nag-buhos ng tubig sa akin noong isang araw, ha!" Nagulat ako sa sinabi ni Brayden. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapag-salita.


Paano niya nalaman? Eto na ba ang katapusan ko? Kainis naman, oh.


"Ano'ng karapatan mo para buhasan ako ng tubig ha?!" Nabalik ako sa aking sarili ng sumigaw ulit si Brayden.


"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Pag-mamaang-maangan ko. Gustuhin ko man sabihin ang totoo, kaso baka mapatay ako niya ako ng wala sa oras. Hinila ko ang aking braso at pa-atras na naglakad.


Peste naman yung nag-sabi 'kay Brayden. Hindi ko na nga naalala 'yun, eh. Malaman ko lang talaga kung sino ang nagsabi sa kanya. Ipapalamon ko ng buhay sa pating.


"Ano'ng hindi alam?! Wag ka na nga'ng mag-maang-maangan pa!" Ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa akin. Habang patuloy ako sa pag-atras at patuloy din ito sa pag-sunod sa akin.


Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Lalo na ang hirap mag-isip, dahil sa mga tingin ni Brayden tapos ang lapit pa niya sa akin.


"H-hindi k-ko nga.... Ahhhh." Hindi ko napansin na malapit na pala ako'ng malaglag. Medyo mataas kasi ang tiles sa dining area.


Agad ko'ng hinawakan ang mga braso ni Brayden. Nagulat naman ito at sinubukan ako'ng hawakan, pero huli na parehas na kaming na-out of balance.


Wahhh! Mamamatay na ba ako? Kasi ang babagsakan ko semento, tapos madadaganan pa ako ng taong mas malaki pa sa akin. Huhu Ang grabe naman ng ikamamatay ko T.T


"Ay jusko! Ano ba ang ginagawa niyo'ng mga bata kayo?!" Teka patay na rin ba si Mommy Hailey? Bakit naririnig ko ang boses niya?


Ramdam ko naman na wala'ng masakit sa akin, kaya unti-unti ko'ng iminulat ang aking mga mata. Laking gulat ko ng makita ko'ng sobrang lapit ng mukha namin ni Brayden sa isa't-isa, nakapikit pa ang mga mata niya. Nakapa-ibabaw ako sa kanya and worst ang mga labi namin ay mag-kadikit.


Unti-unti rin iminulat ni Brayden ang kanyang mga mata. At katulad ko, gulat din ang bumakas sa kanyang mukha. Mabilis ko'ng inilayo ang sarili ko sa kanya.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now