Chapter 66

12.1K 276 2
                                    





Isabelle's POV




Today is the day of our dinner with our beloved mothers. Excited na ako. Naisipan namin ni Brayden na mas maganda kung dito nalang sa unit niya gawin ang dinner at ako nalang ang magluluto. Kesa naman sa kakain pa kami sa isang mamahaling restaurant.




Pinalo ko yung kamay ni Brayden ng tangkain niyang kumuha sa kalderetang niluto ko "Kanina ka pa. Sa'yo palang mauubos na yang pagkain eh."




"Ang sarap eh." Kukuha sana ulit siya kaya naman pinalo ko ulit yung kamay niya. Kinuha ko yung kaldereta na nasa bowl at nilagay na sa lamesa.




"Bakit ba ang saya-saya mo pa din? Eh hindi naman pupunta Mama mo." Ah hindi ko pa nga pala nasabi kay Brayden na acting lang yung ginawa ko noong nakaraang araw.




Hinalo ko lang yung niluluto ko at humarap sa kanya "I forgot to tell you that it's just an acting. Hindi totoo na nag out of town si Mama Laila." Ngiting-ngiti na sabi ko. Mukha naman na hindi niya na gets ang sinabi ko "Umakto lang ako noon sa harap ni Mommy Hailey na may kausap ako. Pero ang totoo wala naman. Triny ko lang yung naisip kong idea. And nag work naman. Galing ko 'di ba?" Sabi ko at tinaas baba ang kilay ko.




Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa stool at lumapit sa akin "You mean na dadating ngayong araw ang mama mo? At mali ang buong akala ni Mommy na tayong tatlo lang ang magdi-dinner?" Tumango-tango ako.




"Nice one. Mahal."




"Mag-ready ka na. Kasi mamayang 6 panigurado nandito na silang dalawa." Bumalik na ako ulit sa pagluluto ko. Nagulat nalang ako ng yakapin ako ni Brayden sa bewang at ipatong ang ang kanyang baba sa kanang balikat ko.




"Aish! Ano ba. Kita ng nagluluto ako eh. Alis diyan." Ginalaw-galaw ko na yung balikat ko. Pero hindi niya pa din inaalis ang pagkakapatong ng baba niya.




Hindi tuloy ako makagalaw ng maayos dahil sa kaniya. Nakuha ko ng matapos ang niluluto ko'ng  beef teriyaki at nailapag ko na din ito sa lamesa pero hindi niya pa din inaalis ang pagkakayap niya sa akin. Huminto ako sa paglalakad at hinaharap siya. Pagkaharap ko ay bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa labi at tumakbo paakyat sa taas. Hindi ko na tuloy na nasabi ang sasabihin ko.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora