Chapter 25

21.8K 485 5
                                    


Isabelle's POV


Thank God at hindi sinabi ni Flare 'kay Brayden kung nasaan ako. May pagka-madaldal din kasi itong kaibigan ko. Pero wow lang ha. Ang kapal din ng lalaki'ng 'yon para hanapin pa ako. Sa tingin niya ba gugustuhin ko pa siyang makita ulit? Neknek niya.


Nag-basa muna ako sa aking phone habang hinihintay matapos uminom ang makasarili ko'ng kaibigan. Tama ba na hindi man lang palitan ang inumin ko na ininom niya? Hindi ko pa nga nakakalahati yung juice ko kanina, inubos na ng Flare na ito.


Habang nagbabasa ako narinig ko ang bell sa may pinto nitong pinagta-trabahuhan ko. Ibig sabihin may customer. Kaya naman tinignan ko ito, nasanay na kasi ako'ng laging tinitignan ang mga pumapasok at lumalabas dito sa shop. Pero hindi ko inaasahan na ang taong ayaw ko ng makita ang pumasok.


What the!


Ibinaling ko ang tuon ko 'kay Flare. Pagtingin ko sa kanya ay tumingin din siya sa akin na may gulat sa kanyang mukha.


"Bes...Akala ko ba hindi mo sinabi ha!?" Madiin pero mahina ko'ng sambit. Pinanlalakihan ko pa siya ng mata.


"Hindi ko naman sinabi sa kanya, bes. Promise." Pabulong niyang sambit.


"Eh kung hindi mo sinabi bakit nandito siya ha?"


"Hindi ko alam. Eh wala din naman akong napagsabihan kung nasaan ka. Kaya imposible na magtanong siya kung kani-kanino para malaman niya kung nasaan ka ngayon." So kailangan talaga magpakita ulit ang lalaking ito sa akin kung kailan nag-uumpisa na akong mag-move on? Kung minamalas nga naman ako oh.


Natigil lang kami sa pagtatalo ni Flare ng mapansin ko'ng nakatayo na sa may side ko si Brayden. Hindi na ako nag-abala na tignan o kausapin siya, kinuha ko ang aking bag at tsaka na tumayo.


"Let's go bes." Sabi ko. Nauna na ako'ng maglakad at hindi na hinintay si Flare.


Wala pa man sa kalahati ang nalalakad ko ng hawakan ni Brayden ang braso ko. Ugh! Ang sarap ihampas ng bag ko sa pagmu-mukha ng lalaking ito.


"Ysa, please let's talk." Rinig ko'ng sabi niya.


Taas kilay ako'ng tumingin sa kanya "Mamili ka. Bibitawan mo ako o ihahampas ko sa makapal mo'ng mukha itong bag ko."


Buti nalang at gumana ang sinabi ko dahil kung hindi tototohanin ko talaga ang sinabi ko. Tignan ko lang kung lapitan pa siya ng mga babae pag nasira na ang kanyang makisig na mukha.


"Tandaan mo. Wala na tayong dapat na pag-usapan. Kaya kung pwede lang wag na wag ka ng magpapakita sa akin. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makagawa pa ako ng kasalanan." Kita ko na may gustong sabihin si Brayden, pero hindi lang siya makapag-salita. Marahil siguro ay naninibago na siya sa akin. Pwes dapat lang, dahil hindi na ako yung Isabelle na laging nagpapakita pa rin ng kabaitan kahit na hindi magandang pag-uugali ang isinusukli niya sa akin.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now