Chapter 14

23.9K 609 2
                                    



Matapos ko'ng mag-ayos ay lumabas na ako ng aking kwarto. Pagka-labas ko ay bumukas naman ang pinto ng kwarto ni Brayden. Hindi muna ako agad bumaba at tinignan lang siya.

Ng biglang mapatingin siya sa akin ay binalak ko'ng ngitian siya, ngunit 'di ko na ito nagawa dahil nag-iwas siya agad ng tingin at nauna ng bumaba.

Hay! Heto na naman po kami.

Sumunod ako at sinubukan siyang kausapin. Baka kasi bumalik na naman kami sa dati na puro away ng away kung sasabayan ko pa ang init ng ulo niya.

"Good morning." Ngiting bati ko. Pero siya dedma lang.

"Musta exams niyo kahapon? Nahirapan ka din ba? Ako kasi nahirapan, pero medyo lang naman." Tinignan ko siya para makita ang kanyang reaksyon, pero ng makita ko ang kanyang mukha ay seryoso ito'ng nakatingin ng diretso.

One more try. At kapag 'di niya pa ako pinansin, bahala na siya sa buhay niya!

"Pagka-tapos ng exams mo mamaya may gagawin ka ba after 'non? Gusto mo manood tayo ng sine?" Imbis na sagutin niya ako ay dinalian niya ang pag-baba at lumabas na.

Ano ba talaga ang problema ng lalaking 'yon? Nakaka-inis na talaga siya ha!

'Tss. Bahala ka sa buhay mo!'

Actually kahapon pa ganyan si Brayden, simula ng maka-uwi kami. Hindi ako kinaka-usap at pinapansin. Dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil sinabi niya'ng sabay kami'ng uuwi, pero iniwan niya ako.

"Good morning, manang. Si Mommy Hailey po?" Tanong ko 'kay manang Fely ng makarating ako sa dining.

"Maagang umalis, hija. May importanteng aasikasuhin daw." Sabi ni manang at inilapag ang bowl of rice na hawak niya. May kinuha naman si manang sa bulsa ng suot niyang maid dress at iniabot sa akin "Ipinabibigay pala iyan ng Mommy Hailey mo at sabi niya ibigay mo daw iyan sa mga taong gusto mo'ng pumunta sa nalalapit mo'ng kaarawan." Paliwanag ni manang.

Ako naman ay sobrang nag-tataka dahil ang dami ng invitation cards. Eh, kung may pag-bibigyan man ako ay nasa mga 20 lang.

"Sige po, manang. Thank you po." Pag-sang-ayon ko nalang. Naupo na ako at nag-umpisang kumain.


-


"Oh. Thank you Lord, tapos na ang exams for today." Masayang sabi ni Flare.

"Bes, tara nood tayo'ng sine." 11am palang kasi at tinatamad pa ako'ng umuwi. Tapos ko na rin naman ipamigay ang mga ibang invitation cards.

Si Flare, Cleo, Amber, Sebastian, At ang mga kasama ko sa student council lang ang binigyan ko.

"I can't, bes. May pupuntahan ako, eh."

"Libre ko naman." Pero syempre joke lang.

"I know you, bes. Kuripot ka, eh. Pero next time nalang ha may pupuntahan kasi ako*tingin sa wrist watch* Ay nako mauna na ako bes. Bye, ingat ka sa pag-uwi." Mabilis na umalis si Flare at hindi na ako hinintay makapag-salita.

What a life!

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Brayden. Nagbabaka-sakali lang hehe.

To: Brayden

Tapos na ba klase mo? Tara panoorin natin 'yung train to busan :)

Message Sent

30 seconds

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now