Chapter 29

20.2K 458 3
                                    

Annyeong Readers 👋👋

I'm really really really really SORRY. Kung sobrang slow ng update ko. Isa lang naman sinasabi ko at 'yon ay 'BUSY AKO'. Well graduating na po kasi ako kaya kailangan ko'ng asikasuhin lahat ng mga requirements ko for OJT. And mahirap din mag-isip ng pwedeng susunod na mangyayari sa story ko.

So 'yon lang po. Maraming salamat sa mga nakaka-intindi 'kay Author. At sa mga hindi, Godbless your soul. Char! Hehe.

Enjoy reading.

PS. Don't expect too much on my story. Hindi po kasi ako kagalingan or let say na hindi naman ako magaling sa pag-gawa ng ano mang storya. Pangarap ko lang po'ng maging journalist or writer. Na hanggang ngayon pangarap pa din hehehe.  And about sa mga grammars ko pasensya na din 'don. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatung-tong ng college. Eh hindi naman ako magaling sa english. English carabao lang 😁😁😁😁 ✌ ✌


~❤~❤~❤~


Matthew's POV


Bwisit naman ang Brayden na ito. Kung kailan may importante ako'ng sasabihin, 'don niya hindi sasagutin ang mga tawag ko.


"The person you are trying to reach is unavailable please try again later." *toot*toot*toot*


Walang hiya! Ang sarap itapon ng phone ko. Pero 'di pwede baka ibitin na ako patiwarik ng ama ko. 


Binilisan ko nalang ang pagda-drive ko para agad na makarating sa tinitirhan ni Brayden. Hindi na kasi siya nakatira 'don sa bahay nila ng dati niyang asawa na si Isabelle. Ewan ko ba 'don ang arte-arte. Ang laki-laki na nga ng bahay nila bumili pa ng condo.


Pagkadating ko sa condiminium na tinitirhan ni Brayden ay nag-park na ako. Tumakbo na ako para agad ako'ng makarating sa tinitirhan niya. Nasa 2nd floor lang naman ang condo unit niya.


*Ding dong!Ding dong!Ding dong!*


Grabe tagal mag-bukas ng pinto ah. Sayang naman ang effort ko sa pag-punta dito kung wala naman pala ang Brayden na iyon dito sa bahay niya.


Magdo-doorbell na sana ako ulit ng maka-rinig ako ng sigaw mula sa loob.


"Sandali!"


"Tsk. Istorbo. Sino ba--Oh ano'ng ginagawa mo dito?" Napa-kunot pa ang noo niya ng makita niya ako.


"Nami-miss na kita, bro." Sabi ko at tumawa. Akmang sasaraduhan niya na ako ng pinto kaya naman iniharang ko agad ang isang kamay at paa ko.


"Ito naman di mabiro. May ibabalita ako bro, at paniguradong magugulat ka. Peksman mamatay ka man."


"G*go! Kung wala ka'ng magawang matino umalis ka sa harapan ko. Tutuluyan ko na talagang bangasin 'yang pag-mumukha mo." Gigil niyang sabi at 'yong isa niyang kamay ay nakayukom na.


"Oh eto na nga bro--Ay wait pwede papasukin mo muna ako?" Sabi ko at ngumiti. Nakatingin lang siya sa akin at mukhang wala siyang balak na papasukin ako sa loob. Kaya naman ako na ang nag-kusa na papasukin ang sarili ko.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now