Chapter 26

23K 455 12
                                    


Amber's POV


"Kyrooooo! Halika na!" Sigaw ko. Kanina pa kasi ako dito sa baba at hinihintay itong si Kyro. Parang babae kung kumilos ang bagal-bagal -.-


"Ate ang ingay-ingay mo." Reklamo niya habang pababa siya.


"Magre-reklamo ka pa. Eh sa ang bagal-bagal mo'ng kumilos. Pa pogi ka ng pa pogi." Ngayong araw kasi yung date nila ni Isabelle. Ewan ko ba dito sa kapatid ko, hindi pa nga tumutungtong ng grade 1, pakiki pag-date na nga ang nasa isip.


"Pag ako na late sa oral defense namin. Lagot ka talaga sa akin." Kainis naman kasi bakit ngayong araw pa ginawa ang oral defense namin. Sabado ngayon at dapat ine-enjoy ko ang weekend ko, pero hindi eh. Group 1-3 kasi ang mag-o-oral defense ngayon para sa isang subject namin. At sa kasamaang palad group 2 kami nila Cleo at Sebastian.


"Ingit ka lang. Kasi ikaw walang ka-date." Aba loko ang batang 'to ah. Kailan talaga ipa-mukha pa sa akin? Tsk.


"Ewan ko sayo. Tara na nga." Kinuha ko na ang aking bag na nasa sofa at nag-lakad na palabas.


Bago kami pumasok sa loob ng sasakyan ay kinuha ko ang aking phone sa bag "Kyro, dali picturan kita. Ayusin mo pose mo ha." Sabi ko. Nag-pose naman siya pero parang nahihiya pa.


(Alonso Mateo as Kyro)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Alonso Mateo as Kyro)


Grabe! Pogi ng kapatid ko. Panigurado maraming mapapa-inlove na babae 'to at marami di'ng paiiyakin. Tsk!


"Gwapo ni makulit." Ipinasok ko na ang phone ko sa bag at siya naman ay pumasok na sa loob ng sasakyan.


Habang nasa sasakyan kami ay binasa ko ulit ang topic namin. Sobrang kinakabahan talaga ako. Feeling ko ano ma'ng oras at hihimatayin na ako. Ang hirap pa naman mag-oral defense dahil talagang pipigain ng mga panels ang utak mo.


"Kyro, wag ka'ng makulit 'kay ate Isabelle mo ha. Dahil alam na alam kita, ang kulit-kulit mo'ng bata ka." Pagpapa-alala ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya mababantayan, dahil hindi pwedeng hindi ako mag-attend sa oral defense namin. Ayoko naman bumagsak.


"You're being paranoid again ate. Don't worry big boy na po ako." Sabi niya at nginitian ako.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now