Chapter 74

12K 240 0
                                    




Isabelle's POV




"Sinabi ba nila kung bakit kailangan natin silang hintayin dito sa bahay?"




"Hindi eh."




Kanina pa kami ni Braydn dito naghihintay pero wala pa din sila Mama Laila at Mommy Hailey. Nakuha ng makatulog ni Rhaine pero wala pa din sila. Kahit nga ako inaantok na din.




"Nandiyan na ata sila." Tumayo kami sa pagkakaupo namin sa couch at lumabas para salubungin sila Mama Laila at Mommy Hailey.




Paglabas namin agad nangunot ang noo ko. May mga nakita kasi akong boxes and paper bags sa lapag. Tapos may ibinababa pang gamit yung driver ni Mama Laila sa sasakyan.




"Mama Laila. Ano pa ang mga 'yan?"




"Ay nako pasensya na kung nalate kami ha. Eto kasing si Hailey ang tagal mamili." Hay nako. Nag shopping lang pala.




"Mabuti pa at pumasok na muna tayo. Paniguradong matutuwa kayo sa mga pinamili namin." Excited na sabi ni Mommy Hailey. Hinila na niya kami pabalik sa loob.




Yung mga nakita ko kanina sa labas ay ipinasok nung driver and maids ni Mama Laila. Clueless pa din kami ni Brayden kung ano ba yung mga pinamili nila at sobrang dami. Tsaka kung ano ba yung sinabi ni Mommy Hailey.




Nang maipasok na lahat ay binuksan ito ni Mama Laila at Momy Hailey. Nakatingin lang kami sa kanila. Nagulat nalang kami ni Brayden ng malaman namin kung ano yung laman ng dalawang malaking box. Baby crib, blue and pink. Tapos yung mga paper bags naman ay mga damit at gamit para sa baby.




"Mama Laila, Mommy Hailey. Ano po ang ibig sabihin nito? Bakit namili po kayo ng gamit para sa baby namin?" Honestly speaking, medyo na offend ako sa ginawa nila. Hindi sa wala silang karapatan na bilhan ng gamit yung babies namin ni Brayden. Pero mas maganda pa din kasi kung kaming magulang ang bibili at mamimili ng gamit para sa kambal namin.




"Anak, sorry ha. Masyado lang kasi kami na-excite nitong si Hailey na magkakaroon na kami ng apo."

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now