Chapter 47

16.3K 375 14
                                    



Flare's POV


Bwisit naman talaga oh. Gusto ko ng kalimutan'yong nakita at narinig ko noong isang araw sa mall. Pero hindi ko pa din makalimutan. Minu-minuto nalang nagfa-flashback sa utak ko ang scene doon sa mall.


Hindi pa ako naka pasok ngayong araw. Alam ko kasing hindi naman ako makaka pag-concentrate sa mga subjects ko. Ngayon, nandito ako sa kwarto ko at kanina pa pagulong-gulong sa higaan. Gigil na gigil na talaga ako. Grrr!


*Ring ring ring*


"Hello!" Sorry na lang kung sino itong kausap ko. Brokenhearted ako ngayon. Brokenhearted!


Naririnig ko ng nagsasalita 'yong sa kabilang linyo pero hindi ko pa alam kung sino 'yong kausap ko.


Napa-upo ako dahil sa sinabi ng nasa kabilang linya "Ano?!!...Oo sige pupunta na ako..." Taranta ako'ng bumaba sa higaan ko at bumaba.


Pagkababa ko agad ko'ng pinuntahan 'yong driver namin at sinabi ko sa kanya na pumunta kami ng school.


-


Pagkarating ko ng school ay tumakbo ako agad papuntang clinic. 


Sabi kasi ng kausap ko kanina na hinimatay si Isabelle at dinala siya sa clinic dito sa school. Syempre kahit na broken hearted ako ay uunahin ko pa din ang bestfriend ko. Mas importante naman siya kesa sa sawi ko'ng love life no.


"Si Isabelle nasaan?" Sabi ko ng makapasok ako sa clinic. Hindi na ako nag-abalang kumatok pa dahil sa taranta ko.


Naabutan ko sa loob si Amber, Sebastian at Cleo. Napatayo sila ng makita nila ako.


"Don't worry girl, she's okay now." Sabi sa akin ni Sebastian "Nandito siya oh. Sleeping beauty ang peg." Dinala nila ako kung saan nakahiga si Isabelle.


Umupo ako sa hinihigaan niya at hinawakan ang kanyang isang kamay "Ano ba ang nangyari ha?"


Kawawa naman ang bestfriend ko T.T


"We still don't know. Umiiyak na siya ng abutan namin siya. Hindi niya din kami sinasagot." Sabi ni Amber.


"Pero may hula kami na kagagawan 'yan ng mga fans ni Brayden." Pagpapatuloy ni Cleo. 


Ugh! Mga walang hiya talaga 'yang mga walang kwenta na may gusto kay Brayden. Mga walang magawa sa buhay! Ang sasarap nilang ilibing ng buhay kasama ang Brayden na 'yan. Kasalanan niya ito kung bakit ginaganito si Isabelle.


Bes, 'wag ka'ng mag-alala ha. Magpakatatag ka lang. May araw din ang mga umaapi sa'yo.


I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon