Chapter 11.1

32.7K 780 31
                                    



Isabelle's POV


Nagising ako ng may tumatama na liwanag sa aking mukha. Unti-unti ko'ng iminulat ang aking mga mata at ang una ko'ng nakita ay si Brayden na nag-pipigil ng tawa habang may hawak pa itong flashlight at nakatutok sa mukha ko.


Bwisit! Akala ko pa naman araw na yung tumatama sa mukha ko 'yon pala flashlight lang -.-

"Baliw ka ba ha? O si---" 

Hindi na ako nito pinatapos at seryosong tumingin sa akin "Oo, baliw sayo."

Agad ko siyang tinalikuran at nag-talukbong.


Kyaahhh! Kenekeleg eke *.* Grabe, yung puso ko ang lakas ng kabog tapos ramdam ko na nag-iinit ang aking mga pisngi.


"Kinilig ka naman, syempre joke lang 'yon." Narinig ko pa itong tumatawa ng malakas. Ugh! Bwisit talaga siya.


Inalis ko ang nakatalukbong na kumot sa akin at nag-patay malisya.


"Laos na yung sinabi mo, kaya hindi ako kinilig. Asa ka nalang na kikiligin ako. Sadyang inaantok pa ako no." Teka ano na ba'ng oras? 


Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table at nakita ko'ng 4am palang ng umaga. Anak ng! Ang aga-aga palang pala, tapos ng iistorbo na ang Brayden na 'to. 


Bumalik ako ulit sa pag-kakahiga, dahil nararamdaman ko pa ang antok. Ang pag-kakatanda ko kasi ay 12mn na kami natulog ni Brayden. Nag sona pa ito sa harap ko, syempre ako medyo nag pakipot muna, bago ako naki-pag-bati sa kanya.

"Huy, kanina pa ako hirap sa pag-gising sayo, tapos tutulugan mo lang ako ulit." Rinig ko'ng sabi niya.


"Sino ba nag-sabi sayo na gisingin mo ako? Tsaka kung ayaw mo'ng matulog, pwes mag-patulog ka. Ang aga pa para sabihin ko sayo." Sabi ko habang nakapikit. 


Inaantok pa talaga ako ~.~ zzZZZ

Hindi ko na siya narinig na nag-salita, kaya akala ko ay lumabas na ito sa kwarto ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nagulat ako ng makita ko siya sa harap ko. Naka-upo ito sa sahig at nakapatong ang kanyang kamay at baba sa higaan ko.


"Good morning." Sambit niya at ngumiti "Asawa ko." Dugtong niya at hinalikan ako ng mabilis sa aking mga labi. Mabilis din itong tumakbo palabas ng aking kwarto.

Mas lalo pa'ng bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko ay masusunog na ang aking mukha sa sobrang init.

Is this true? Kung hindi itulak niyo na nga ako sa building.


-


Simula ng halikan ako ni Brayden kanina, kahit smack lang, ay hindi na ako dinalaw ng antok. Isang oras din ako'ng napatulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari kanina.


Nakita ko sa aking cellphone na 5:30am na kaya naman bumaba nalang ako, dahil ayaw na rin pumikit ng aking mga mata.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now