Chapter 31

20.8K 482 3
                                    



Seraphina's POV


"Oh ano positive ba?" Tanong ni Rita ng makalabas ako sa cr ng kwarto ko.


Nandito ang grupo ni Shania sa bahay ngayon. Tinawagan ko sila agad ng makaramdam ako ng hindi maganda. Inutusan ko din sila na mag-dala ng pregnancy test. This past few days kasi ay laging sumasama ang pakiramdam ko, nahihilo, parang nasusuka at delay na din ang aking menstruation. Which is tumugma sa mga ibang sinabi ni Alexandra na symptoms pag buntis.


Pero ngayon hindi ko maintindihan kung bakit puro negative ang lumalabas. Tatlong beses ko ng triny ito pero negative lahat.


"Eh baka naman hindi ka pa buntis? Baka false alarm lang. Dahil alam mo na masyado ka'ng nag-aasume." Sabi ni Shania. Nakaupo ito sa sofa sa kwarto ko at ang tuon niya ay nasa kanyang mga kuko sa kamay.


"Shut up bitch." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.


"Don't talk like that as if you're not." Sabi niya sabay tayo at kuha ng kanyang bag "Oh well, I gotta go. I have more important things need to do. So goodbye my fellow bitches, see ya later." Nakangiti pa siya ng nakakaloko ng lumapit siya sa akin at nakipag-beso. Nakatayo lang ako at hindi ginantihan ang pakiki pag-beso niya.


Masama ang tingin ko sa kanya habang nag-lalakad siya papunta sa pintuan. Pero bago siya lumabas ay nilingon niya ako "Oh, Just call me pag nag-positive na ha... If magpa-positive nga. 'Yon lang. Bye~" She said at lumabas na.


Damn! That girl is getting on my nerve!


"Want to try it again?" Devine asked at iniabot sa akin ang last pregnancy test na dala nila.


"Leave!" Madiin ko'ng sabi sa apat na kaibigan ni Shania. Agad nilang kinuha ang kanilang gamit at umalis na sa aking kwarto.


Pagka-labas nila ay tumunog naman ang phone ko. Kinuha ko ito sa kama at sinagot ang call.


"Let's meet." Sabi ng nasa kabilang linya.


"Sure. I'll text the place kung saan tayo mag-kikita." I said and ended the call. Itinapon ko sa basurahan ang pinag-gamitan ko'ng pregnancy test tsaka na kinuha ang aking bag at susi ng kotse. Lumabas na ako ng aking kwarto at nag-punta kung saan kami magki-kita ng kausap ko kanina.


-


Pagka-dating ko sa Villa Restaurant ay naabutan ko ang kikitain ko na nandoon na.


Napangisi nalang ako ng makita siya.


"I did everything you want. Kaya ikaw naman ang sumunod sa usapan natin." Sambit nito ng makalapit ako.


"Chill." Sabi ko at naupo "Waiter." Lumapit ang isang waiter sa akin tsaka ako nag-order.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now