Chapter 19 (Part 1)

26.7K 610 21
                                    



Isabelle's POV


Aish! Nasaan na ba ang mga 'yon? Nag cr lang ako saglit, nawala na sila. Baka naman iniwan na nila ako? O baka nakalimutan na nilang kasama nila ako? Huhuhu. Wag naman sana. Nasa sasakyan pa man dina ang aking bag.

Saan ko naman kaya sila hahanapin? Kung ang laki-laki nitong hotel. Baka lumabas na ang dila ko at lumuwa na ang aking mga mata ay hindi ko pa sila nakikita.

Naisipan ko'ng bumalik na lang ulit sa staff room sa garden, dahil baka nandoon na sila.

Pagka-pasok ko palang ng garden ay may tatlong babae na sumalubong sa akin.

"This way. Ma'am." Nakangiting sambit ng isa.

Hindi pa ako nakakapagsalita ng dalhin ako ng dalawa papunta sa stage.

"Ahh. Teka lang po, ah. Ano po ba ang kailangan niyo sa akin?" Tumigil ako sa paglalakad at seryosong tinanong sila.

"You will know later, Ma'am. Bu please come with us." Sambit ng una'ng nagsalita kanina.

Hindi na naman nila ako hinintay makapag-salita at hinila nila ako papunta sa may stage. Ng makarating kami ng stage ay hindi ko alam kung anong mararamdam ko. Kasi naman baka may nagawa pala akong kasalanan tapos ipapahiya nila ako sa maraming tao. Wag naman sanang gano'n ang mangyari sa akin.

"May nagawa po ba ako'ng kasalanan?" Tanong ko.

Imbis na sagutin nila ako, ay ngumiti lang sila sa akin. At sabay 'non ang pagkawala ng mga ilaw sa buong garden.

"Hello? May tao ba diyan?" Sabi ko ng hindi ko maramdaman na kasama ko pa ang tatlong babae. Hindi rin ako masyado makagalaw, dahil baka malaglag ako.

"H-h-hoy. Sino kayo?....Teka anong ginagawa niyo?....Help!!!" Naramdaman ko nalang na may nagtanggal sa suot kong blazer at sa nakatali ko'ng buhok.

Naririnig ko lang ang mga maliliit na tinig ng mga taong hindi ko alam kung anong ginagawa sa akin. Hindi ko naman makita ang kanila mga itsura dail nga madilim. Basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay parang may isinusuot ang mga ito sa akin. At nilalagay na kung ano-ano.

After a minute. Nawala na ang mga ito. Ako na naman ulit ang mga-isa. Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko, dahil madilim pa din ang paligid at wala akong maaninag na kahit katiting na liwanag.

"May ta---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng isa-isang nagsindihan ang mga ilaw sa buong garden ng hotel. Ang una ko'ng nakita ay ang malaking screen sa harap ko.

"Happy Birthday, Isabelle!" Mabilis ako'ng napaharap sa aking narinig. At pag-harap ko ay nakita ko ang maraming tao na nakangiti sa akin at nag-papalakpakan. Nakita ko din ang iba ko'ng school mates and professors.

Agad na tumulo ang aking luha at napangiti. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.

"Besss. Happy birthday. Oh, my gosh. Ang tanda mo na." Sambit mula sa aking likuran. Pag-lingon ko ay nakita ko si Flare, she's wearing a navy blue gown with slit. She really looks gorgeous.

We hugged like it's the first time we saw each other again. Kahit na isang araw lang naman kami hindi nag-kita.

"Did you like you're gown?" She asked while smiling.

Nangungunot pa ang aking noo, 'cause I don't have any clue what she's talking about. Until I looked to myself and I saw that, I'm not wearing anymore my blazer. I am now wearing a pink tube ball gown. And even the accessories and heels Im wearing is pink.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now