Chapter 36

20.6K 539 13
                                    



Isabelle's POV


"Before I leave. I just want to remind all of you. Don't forget to settle your payment for your tour. Okay?" Sabi ng Professor namin na si Mrs. Calleja.


Hay nako. Panibagong bayaran na naman.


"Okay, Ma'am." Sagot naming magka-kaklase.


Lumabas na si Mrs. Calleja kaya lumabas na din 'yong iba ko'ng mga classmates. Tumunog na kasi ang bell hudyat na lunch time na.

"C'mon guys. Tom jones na ang mga bulate ko." Sambit ni Sebastian.


"Kailan ka ba hindi nagutom 'yang mga bulate mo ha? Hindi na nga yata bulate ang nandiyan sa tiyan mo. Ahas na." Sabi naman ni Amber. Hindi sumagot si Sebastiab at inirapan lang siya.


Minu-minuto naman kasi laging nagrereklamo 'yang si Sebastian na gutom. Kahit oras ng klase kung ano-ano'ng kinakain niya. Pag wala na siyang makain sisitsitan niya ang katabi niyang si Cleo o Amber para lang manghingi ng pagkain. At pati ako hinihingian niya ng pagkain dahil nasa likod niya lang ang inuupuan ko.


Sumunod na din kaming apat kay Sebastian.


Natigil kami sa pagtawa at pag-kukwentuhan ng marinig ko si Brayden "Ysa, pwede na ba tayong mag-usap." Tanong niya. Naalala ko naman na may sinabi nga pala ako kagabi sa kaya na ngayon nalang kami mag-usap.


"Hindi. Wala naman tayong pag-uusapan. Kaya bye." Sabi ko at nag-lakad. Pero siya naman ay sinusundan ako.


"Ang sabi mo sa akin kagabi, na ngayon tayo mag-usap."


Hinarap ko siya ng naka crossarms ako "Naniwala ka naman. Sa tingin mo ba makikipag-usap talaga ako sa'yo? In your dreams. Sinabi ko lang 'yon para umuwi ka na at hindi mo na ako guluhin."


Bigla ako'ng nakaramdam ng kirot sa puso ko ng makita ko na lumungkot 'yong mukha niya.


"Kahit 5 minutes lang."


"Ayoko." Pagmamatigas ko. Hindi dapat ako magpa-apekto sa kanya. Bahala siyang maramdaman niya ang ginagawa niya noon sa akin.


"Pwede 'wag ka ng makulit. Diyan ka nalang sa mga die hard fans mo'ng gusto ng kitilin ang buhay ni Isabelle." Pinagtuturo ni Amber 'yong mga babaeng estudyante na ang sama ng tingin sa akin. At tama nga si Amber gusto na nga nila akong patayin.


"Hindi ko naman hahayaan na saktan nila si, Ysa." Ano mata-touch na ba ako? Sus. As if naman na kaya niya 'yang isang batalyon na mga fans niya.


"Tumigil ka na, Brayden, ha. Pag may nangyaring masama kay Sabel. Ako mismo ang tatanggal niyang pagka-lalaki mo!" Banta ni Flare. Nakita ko na napalunok pa si Brayden.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon