Chapter 73

11.8K 260 3
                                    

For the super duper late update. SORRYYYYYYYY. Walang connection eh. 

Isa lang masasabi ko. Walang kwenta na niyan yung mga update. Hahaha. Kung hindi niyo magustuhan yung mga update or chapters. Huwag niyo akong awayin ha. At kung naba-bother kayo sa mga maling grammars and typos, huwag niyo ng basagin itong story haha ;) Ilang chapters nalang, end na ng I'm secretly married to a casanova. So gusto ko ulit magpasalamat sa lahat ng nagbasa, magbabasa, nag-comment and votes. Thank you sa inyong lahat readers :D Kahit na nakakainip mag-hintay sa next update. 

Godbless to all of you :)


~❤~❤~❤~



Isabelle's POV




Days passed really fast. Nagdaan na ang pasko at new year and like what we used to do, nag-celebrate kami. Syempre masaya dahil nadagdag si Mama Laila at Rhaine. Nung new year naman ay mas masaya dahil kasama namin nag celebrate ang family ni Flare. Kahit naman na hindi ko kasama yung iba ko pang friends na nagcelebrate ay masaya pa din. Nagkakausap naman kasi kaming lahat para magbatian.




Just like what I've said sobrang bilis talaga ng araw. Hindi ko nga pansin na malapit na ang bakasyon tapos malapit na din akong mag fourth year college. My everyday routine is still the same. Papasok ako sa school, mag wowork tapos uuwi. And then repeat. Nakakainis nga na first week of class palang ngayong taon ang dami ng pinapagawa ng mga professors namin.




Naisip ko na huwag ko na muna ititigil yung pagtatrabaho ko tutal kaya ko pa naman tsaka sinabi naman ng doctor ko na pwede pa naman akong magtrabaho as long na hindi ko masyadong pinapagod yung sarili ko.




Ngayong araw nga ay pupunta kami ni Brayden sa obgyne ko. Para alamin na yung gender ng baby namin.




Nasa labas lang kami ng opisina ni Dr. Del Mundo. At hinihintay na tawagin ako nung nurse. Brayden holding my hands tightly. It's so funny that he's more nervous than me.




"Would you stop shaking? Nahihilo ako sayo eh."




"Sorry, kinakabahan lang kasi ako eh."




"Dapat nga ma-excite ka 'di ba. Alam mo baliktad talaga 'yang utak mo eh."




Hinayaan ko nalang siyang mag pakamukhang ewan. Ewan ko ba diyan bakit kinakabahan eh hindi naman siya yung buntis. After a minute tinawag na kami nung nurse. Sumunod kami sa kanya ni Brayden. Si Brayden naman lalo pang humigpit yung hawak niya sa akin. Imbis na mainis ako ay natutuwa pa ako sa trip niya ngayon.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now