Chapter 53

15.3K 322 8
                                    



Ano ba yan. Kinikilig pa din ako hanggang ngayon.



"Alam mo bes. Pag ako hindi nakapag timpi. Dudungusan na talaga kita. Kanina ka pa diyan ngumingiti ng ngumingiti." Hahaha. Nag sasalubong na yung mga kilay ni Flare. Halatang naiinis na talaga siya.



Eh kasalanan ko ba. Letse kasi si Brayden eh. Pinakilig ako ng sobra kagabi.



Last destination namin kagabi. Is doon sa isang fancy restaurant sa mall. He set up everything. Sa may garden kami ng restaurant kumain. May naka set up na table for two, may candles pa yung table. Tapos kaming dalawa lang yung kumakain doon sa garden. Pina-reserve niya daw. Ang mas nakaka kilig pa dahil may tumutugtog pa. Yung parang nakikita ko lang sa tv at nababasa sa libro. Romantic date ba. Tapos bago kami umuwi. Isinayaw niya muna ako.



Natatawa pa nga ako sa kanya dahil habang sumasayaw kami nagsasabi-sabi siya. Kasi daw hindi siya yung naging last dance ko noong debut ko.



"That was supposed to be me. Not that...Dylan."



Sinabi niya 'yan kagabi. Ni hindi siya makatingin sa akin ng deretso. Dahil alam niyo na. Ramdam ko eh. Nagseselos.



"Mauna na nga ako sa loob. Tsk."



Sunday ngayon at nasa church kami ni Flare. Kaming dalawa lagi ang magkasama tuwing church day. Pero ngayon iba, kasi kasama si Brayden. Hindi pa ako pumapasok sa loob dahil hindi pa naman nag uumpisa ang mass tsaka hinihintay ko pa kasi siya.



Speaking of Brayden "Sorry if I'm late." Nahihiya niyang sabi at hawak niya pa ang kanyang batok.



"Okay lang. Tara na." Tumango siya kaya pumasok na kami sa loob ng simbahan.



Sa kabilang upuan kami naupo ni Brayden pero katapat naman namin yung pwesto ni Flare. Baka kasi pag itinabi ko sa kanya si Brayden ay hindi na siya makapagpigil. Galit pa din kasi siya hanggang ngayon kay Brayden.



Natatawa nga ako kanina nung malaman niyang kasama namin ngayon si Brayden magsimba. Konti nalang umusok na yung ilong niya. Tapos parang gusto niya ng manuntok.



"Galit pa rin ba?"



"Oo. Huwag kang maingay baka marinig ka niya."


I'm secretly married to a Casanova [Completed]Där berättelser lever. Upptäck nu