Chapter 1

58.7K 1.2K 19
                                    


Isabelle's POV


"Brayden, pwede ba'ng makisabay sayo? Late na ako, eh. Sige na please" Pag-mamakaawa ko 'kay Brayden. Sinusundan ko ito pababa ng hagdan, at pinipilit na isabay niya ako.

Hindi ko kasi na-set ang alarm clock ko. Kaya ayun hindi ako kaagad nagising. 

"Bawal and It's not my fault.  Tss" Sambit nito at lumabas na.

Bawal sa kotse niya. Bawal siyang kausapin pag nasa school o kahit na saan man kami. Medyo nakaka-usap ko lang ito pag nandito sa bahay. Bawal ko siyang i-text. Ang daming bawal konti nalang pati pag-hinga ko ipag-bawal niya na.

Ang yabang niya talaga!

Sa iisang bahay kami nakatira ni Brayden. Pero hiwalay ng kwarto. Binili ni Mommy Hailey itong mansyon noong ikasal kami ng anak niya.

How did this happen?

Alam naman natin na uso ang na-a-arranged marriage, and we are one of them.

6 years ago ay nag-kakilala ang mga magulang ko at Mommy ni Brayden sa isang aksidente sa isang hotel. Both of my parents our working on the same hotel, nagkaroon ng sunog doon and they saw Mrs. Hailey Anderson stucked in her room. They help her until they became friends.

Hindi kami mayaman, but Mrs. Anderson asked my parents If I can marry her son. Una tutol ang mga magulang ko, pero di kalaunan ay pumayag din sila, because they're dying at wala naman kukupkop sa akin.

Now, I'm already 17 years old and 2 years secretly married sa isang lalaki na ubod ng yabang. Sa totoo lang hindi masaya. Kahit na siya pa ang casanova ng school na pinapasukan ko. ~_~

Our relatives, He's friends and my friend lang ang nakaka-alam sa sekreto namin. 

Bwisiiiiiiiiit!!


***


Kakatapos lang namin mag-lunch ng kaibigan ko. And guess what, parehas pa kami'ng late. bukod sa napagalitan na nga kami ay binigyan pa kami ng punishment.

Naglalakad na kami pabalik ng room. Tumunog na rin naman kasi ang bell.

"Sabel. Asawa mo oh, ang landi" Sinisiko ako ni Flare, pero di ako tumitingin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Parehas na kaming third year college ni Brayden kahit na matanda ito ng isang taon sa akin. At dahil matalino daw ako sa Section A ako inilagay si Brayden ay sa section B. Madadaanan muna ang room nila bago makarating sa room namin. Kaya naman kahit na ayaw ko siyang makita sa school. Ay napapatingin pa din ako minsan sa room nila. Bwisit yung mga mata ko, eh.

At dahil nga bwisit ang mga mata ko ay di ko pa rin napigilan na hindi tumingin sa classroom nila Brayden. Saktong pagtingin ko ay nakatingin ito sa akin. Kikiligin ba ako dahil nagtama ang mga mata namin? o maiinis dahil ang sama ng tingin nito sa akin at nag-smirk pa?

Inirapan ko siya at tuluyan ng pumasok ng room. Ayoko naman panoorin ang pakikipaglandian niya.

Natapos na ang klase ko kaya naman ay umuwi na ako. Kailangan ko pa kasing maglinis ng bahay. Wala kasi ang mga maid namin ngayon at bukas pa sila babalik. Panigurado lagot ako kay Brayden pag naabutan nitong marumi ang bahay. Mabuti nalang at gumagala pa ito kasama ang mga kaibigan niya. Kaya 'di ko na kailangan magmadali para makauwi.


6:00pm na matapos ako'ng mag-linis. Kaya nagluto na ako. Beef teriyaki ang niluto ko. Isa kasi 'yun sa favorite ni Brayden.

7:05pm na pero wala pa siya. Nag-punta nalang ako ng aking kwarto, dahil di naman ako magpapakatanga na hinatayin siya umuwi at magkukunwaring nag-aalala. Ano siya sinuswerte? Asa siya.

*Tok!tok!tok!tok!*

Malalakas na katok ang nakapagpagising sa akin. At alam na alam ko kung sino ang bwisit na 'yun.

Bumangon ako at pinagbuksan ng pinto si Brayden "Ano?" Inis ko'ng sambit.

"Pwede ba wag ka'ng nakikipagtitigan or wag na wag ka'ng titingin sa akin pag nasa school tayo!" Jusko! Ginising ng bwisit na lalaki na ito ang beauty rest ko para lang sabihin ito sa akin? Ughh! Bwisit talaga siya. Pati ba naman pag-tingin bawal?

"FYI may mata ako. Kaya malabo ang sinasabi mo at para sabihin ko sa'yo malakas makakuha ng pansin ang mga hayop na naglalandian!"

"Ano? Sinasabihan mo ba ako'ng hayop huh?! At bakit nagseselos ka?" Naniningkit pa ang mga mata nito.

Say what?! Ako nagseselos? At bakit naman ako magseselos sa isang naglalandian na hayop?

"Nag-aasume ka? Oh, sige pagbibigyan kita. Oo ikaw, malanding hayop! At walang kaselos-selos sa'yo! Asa ka nalang na magseselos ako, dahil kahit na buong babae sa school ang landiin mo hinding-hindi ako magseselos!"

Bakas na bakas na ang sobrang inis sa mukha ni Brayden "Ang lakas din ng loob mo para sigawan ako! Baka nakakalimutan mo'ng pamamahay ko ito!"

"Hoy, hoy, hoy. Baka ikaw ang nakakalimot. Nakita mo ba sa titulo na sa'yo naka pangalan 'tong bahay ha? Hindi diba? Kaya wag ka'ng assumero!" Gantihan lang 'to. Sisigawan niya ako, pwes sisigawan ko din siya.

"Alam mo nandidiri ako sa pagtitig mo. Kaya pwede wag kang titingin sa akin!"

"Walang ka'ng kwenta kausap! Diyan ka na nga. Unggoy!" Sabi ko at pabagsak na isinarado ang pintuan.

Bigla ako'ng nakaramdam ng kirot. Sanay na rin naman ako'ng pagsalitaan niya ako ng hindi magaganda. Pero di ko pa rin mapigilan na hindi masaktan o ma-offend. Tao ako at marunong masaktan. Hindi niya ba alam 'yon? Palibhasa kayabangan lang ang alam niya.


~ITUTULOY~

*****

Author's Note

Asahan niyo na ang mga maling grammars at yung mga typos. Because honestly speaking, hindi ako magaling sa english. English carabao lang ang alam ko haha ^_____^.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now