Chapter 90

10.7K 191 1
                                    




Isabelle's POV




Dalawang araw na simula ng magising ako sa pagkaka-comatose ko. Yung mga doctor nga hindi talaga makapaniwala kung paano ko nagawang bumalik. Kung paanong nagising pa din ako sa kabila ng mga negative results ko. And everytime they are asking me. Ang isinasagot ko lang ay "It's because God is good and He gave me strength and hope to live."




Hindi nga lang ako ang binigyan niya ng lakas at pag-asa na mabuhay eh, pati ang mga anak ko. Dahil sa kabila ng mga nangyari sa akin ay hindi sumuko ang mga anak ko. Nanatili pa din silang buhay sa loob ng tiyan ko hanggang sa mailabas sila.




For the past months na tulog ako ay ang dami ng kaganapan. Sobrang late ko na sa mga nangyayari sa paligid ko, lalo na sa lovelife ng kaibigan ko. At nakakalungkot pa dahil yung mga kaibigan ko ay enjoy na enjoy sa pagiging fourth year college nila. Eh kamusta naman ako paniguradong mahihirapan ako na habulin yung mga pinag-aralan nila.




Tapos ang nakaka-gulat pa ay ng malaman ko na si Mr. Yves at yung totoo kong tatay ay iisa. Noong una nga ay ayaw ko pang maniwala eh, kasi akala ko may something lang sa kanila ni Mama Laila kaya ipinakilala siyang tatay ko. Pero ng mag-kwento siya at nag-tugma doon sa mga kinuwento ni Mama Laila sa akin noon, ay doon palang ako naniwala. Kahit na ang madaming araw ang hindi ko na-enjoy ay masaya pa din ako, as in sobrang saya ko dahil binigyan ako ng second life ni God at hinayaan niya ako na makasama ko pa ng matagal ang mga mahal ko sa buhay.




"Ate hindi naman forbidden ang kumurap, try mo kaya baka atakihin ka diyan eh." Nagulat ako bigla doon sa nagsalita kaya nabalik ako sa katinuan ko.




Nakita ko si Rhaine at si Mama Laila, kasama din nila ang kambal ko. Nawala na yung pagka-inip ko ng makita ko sila. Wala kasing nagbabantay na iba sa akin, bukod doon sa mga nurse. Weekdays kasi ngayon at may klase si Brayden at mga kaibigan ko.




Lalo tuloy akong na-excite ng makita ko ang kambal ko. Hanggang ngayon nga ay hindi pa din ako makapaniwala na isa na akong ina, maaga man akong nabuntis ay hindi ko pa din pinagsisisihan 'yon, dahil itong ibinigay sa akin ni God ay isang malaking blessing.




"Oh anak, heto na ang baby girl mo. Si Laris kasi ay tulog pa napagod ata sa byahe."




"Hi baby, namiss mo ba si mommy? Kasi ako sobrang namiss kita. Konting hintay nalang ah makakalabas na din ako dito sa hospital." Wala pang exact na araw kung kailan ako makakalabas ng hospital. Pero sabi naman ng doctor na kapag nagtuloy-tuloy ang magandang resulta sa mga test ko ay baka bukas o sa mga susunod na araw ay makakalabas na ako.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now