Chapter 63

15.4K 321 4
                                    




Isabelle's POV




"Malapit na nga 'yong Christmas." Oo nga no. Hindi ko man lang ramdam na malapit na yung Christmas. Para ngang hindi ko ramdam ang ber months. Ang dami kasing ginagawa. Ang daming kailangan na requirements ang dapat ipass. Tapos makikipag taguan na naman sa amin yung iba namin prof. sa pirmahan ng clearance.




"Sinabi mo pa Sebastian." Sangayon ni Cleo.




"Pero mga letche talaga kayo eh. Malapit na nga yung Christmas pero hanggang ngayon tawag niyo pa din sa akin Sebastian. Samantha nga 'di ba. Samantha. Gosh."




"Ang ganda nga ng Sebastian eh. Ang gwapo mo kaya hindi bagay ang Samantha sayo."




"FYI. Cleo, Maganda hindi gwapo. Tsk."




"Bakit tol, maganda naman yung Sebastian ah. Ang masculine. Hahaha."




"Isa ka pang Matthew ka. Can't you see I'm a girl."




"Pusong babae lang. Wag kang ano diyan. Ni wala ka ngang malaking boobs at yung perlas ng silanganan. Wala ka din nun. Psh. Asa ka nalang." Ayan nakisali na si Flare.




Hinayaan ko lang sila na magtalo. Basta ako masaya ako sa kinakain ko. Parang pangalan lang kailangan pang problemahin eh.




Habang enjoy na enjoy ako sa pagkain. May napansin ang aking mga mata. Si Q. May hawak siyang tray at mukhang naghahanap ng mauupuan. Tinignan ko kung may space pa sa table namin at ng makita ko na meron pa ay kinaway-kaway ko yung dalawa kong kamay sa ere hanggang sa mapansin niya ako.




Nung mapansin niya ako I mouthed the word 'Dito ka nalang. May space pa.'




"Hi guys." Sambit ni Q ng makalapit siya. Tinignan naman siya nung mga kaibigan ko. Except sa isa.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now