Chapter 80

9.6K 203 0
                                    




Brayden's POV




"Fvck! Hanggang ngayon wala pa din kayong balita kung nasaan si Ysa!"




"Sir, ginagawa po namin ang lahat para hanapin ang asawa niyo."




"Ginagawa? Crap that sh*t! Kung ginagawa niyo ang lahat, mahahanap niyo siya!" Mga walang kwenta ang mga pulis na ito. Binabayaran mo nga ng maayos pero hindi naman nila ginagawa ng maayos ang trabaho nila.




Bago ko pa masuntok yung mga pulis ay inawat na ako ni Mom at siya na itong nakipag-usap sa kanila.




"Basta agad niyo po kaming balitaan... Salamat." Umalis na 'yung mga pulis at si mom ay umupo sa tabi ko. Si Tita Laila at Rhaine ay nandito din sa bahay.




"Anak, alam mo naman na nahihirapan silang hanapin si Isabelle dahil walang bakas kung nasaan siya, o kung may kumuha ba sa kanya." Until now we don't have any clue where Ysa is. Hindi nga namin alam kung ano ba talagang nangyari sa kanya. Hindi na rin namin madial ang phone niya dahil nakapatay ito.




Tatlong araw na ang nagdaan pero hanggang ngayon wala pa din magandang ibinabalita ang mga pulis na naghahanap kay Ysa. Sobrang nag-aalala na ako. It feels like that anytime I'm going to break down. Para na akong masisiraan ng bait dahil sa sobrang pag-aalala.




Walang araw o minuto na hindi ko iniisip ang mag-iina ko. Kahit sa pagtulog ko sila ang nakikita ko. Kaya nga takot na takot akong ipikit ang mga mata ko dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay hindi magandang pangyayari ang nakikita ko sa mag-iina ko.




Simula ng mawala si Ysa. Para akong isang bata na inaagawan ng candy. Kapag uuwi ako sa condo ko. Pag-iyak at paglalasing lang ang ginagawa ko. Kasi naiinis ako, wala akong magawa para hanapin si Ysa. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko siya hahanapin.




"Magpakatatag ka, Brayden para sa asawa at mga anak mo. Manalig lang tayo sa Diyos na mahahanap din natin si Isabelle. At makakabalik siya ng ligtas sa atin." Sabi ni Tita Laila.




Sana nga. Sana nga ay makita na namin si Ysa. Sana ay walang nangyari sa kanila ng mga anak ko.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon